top of page
Search

ni Lolet Abania | November 17, 2021


ree

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Covovax vaccine para sa emergency use authorization (EUA) laban sa COVID-19.


Ang Novavax na nakabase sa Amerika, ang siyang US drugmaker ng bakuna subalit ang kanilang Covovax vaccine ay manufactured sa Serum Institute of India Private Limited na siya namang nag-apply para sa EUA nito sa bansa.


Sa Laging Handa briefing ngayong Miyerkules, sinabi ni FDA Director-General Eric Domingo na ang bakuna ay posibleng i-administer sa mga indibidwal na edad 18 at pataas dahil aniya, para maiwasan ang sakit sa baga.


“Bagong klaseng bakuna po ito, ito po ay tinatawag na protein subunit… isang parte po na pure part of the antigenic [na] parte po ng virus ang kanyang nire-replicate.


Pagkatapos ito ang ine-inject para mag-elicit ng immune response,” paliwanag ni Domingo.


Ayon kay Domingo, ang vaccine ay ibibigay ng dalawang doses na may interval o pagitan ng tinatayang tatlo hanggang apat na linggo.


“Nakita po sa kanyang mga clinical trial na very mild ang mga adverse event na reported… and an efficacy rate of preventing COVID-19 about 89.7%,” sabi ni Domingo.


“So ito po ay isang possible natin na maaring magamit na bakuna. Lalung-lalo na siguro towards the end of the year o sa darating na 2022,” dagdag ng opisyal.

 
 

ni Lolet Abania | May 28, 2021


ree

Nakatakdang matanggap ng Pilipinas ang 13 milyong doses ng Novavax vaccines sa ikatlong quarter pa ng taon, ayon sa opisyal ng vaccine expert panel.


“Novavax is found to be efficacious against the original strain, the UK variant and the south African strain,” ani Dr. Nina Gloriani, head ng Vaccine Development Expert Panel, sa isang online forum ngayong Biyernes.


“We are sourcing this from the Serum Institute of India. It’s taking some time because they still have to apply for an emergency use authorization,” sabi pa ni Gloriani.


Nabatid na noong March, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na pumirma sa kasunduan ang pamahalaan para sa supply ng 30 milyong Novavax doses ng COVID-19 vaccine na mula sa pinakamalaking vaccine manufacturer sa buong mundo.


Nakapaloob din sa supply deal ang pag-awtorisa sa Pilipinas na kumuha ng karagdagang 10 milyong bakuna kapag kinailangan pa ito ng bansa.


Maraming mga bansa ang nagnanais na makatanggap ng Novavax jabs sa dahilang maaari itong ma-store o ilagay sa regular refrigeration temperatures at hindi tulad ng ibang brands na nangangailangan ng below zero temperatures para mapanatili ang efficacy ng vaccine.


Matatandaang nito lamang buwan, sinabi ng Novavax na posibleng maantala ang kanilang aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) sa United States at Europe hanggang sa third quarter ng 2021.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 23, 2021



ree

Nabakunahan na laban sa COVID-19 ang mahigit 1,600 empleyado ng House of Representatives (HoR), batay kay Head of House CongVax at Bataan Representative Jose Enrique Garcia III ngayong araw, May 23.


Aniya, "Ang target po natin na mabakunahang employees, including families, ay nasa 25,000. Nag-start na ng May 11. So far nakapag-vaccinate na tayo ng 1,600.”


Kabilang sa mga nabakunahan ay ang mga nasa A2 at A3 priority list. Iginiit din niyang bumili ang HoR ng Novavax COVID-19 vaccines sa India, kung saan nagkakahalagang P50 million ang inilaang pondo. Inaasahan namang darating sa Hulyo ang mga biniling bakuna.


Dagdag niya, “I talked with our team, and we agreed that before SONA, the third regular session, all employees and dependents must be vaccinated.


Sabi pa niya, “I think, as far as the House is concerned, we are dependent on the arrival as long as these vaccines arrive, I am ready.”


Sa ngayon ay simula na rin ang vaccination rollout sa mga A4 at A5 priority list o ‘yung mga economic frontliners at mahihirap.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page