top of page
Search

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 23, 2023




Walong Leopard at 2 tanks ang dumating sa Ukraine.


Ayon sa Norweigan Armed Forces na patuloy pa rin ang ginagawang pagsasanay sa mga sundalo na mag-o-operate sa nasabing tanke.


Gawa umano sa Germany ang nasabing tangkeng pandigma, sumunod lamang sila sa hakbang ng ilang mga bansa na magbigay ng mga tangkeng pandigma sa Ukraine upang tuluyang maitaboy ang Russia.


Kung matatandaan ay noong Pebrero inanunsiyo ng Norway na bumili sila ng 54 German Leopard 2 tanks bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang defense capabilities.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 19, 2021



Luluwagan na ang COVID-19 restrictions sa Norway simula sa Linggo, June 20, kung saan maaari nang tumanggap ng 20 bisita sa mga bahay at maaari na ring magbukas ang mga bars at restaurants hanggang gabi, ayon kay Prime Minister Erna Solberg.


Papayagan na rin ang mas maraming manonood sa mga sports arena simula sa Linggo, ayon kay Solberg.


Aniya, bubuksan na rin sa mga overseas visitors ang Norway ngunit required pa rin ang testing at kailangan pa ring sundin ang mga quarantine requirements.


Saad ni Solberg, "The infection situation is still unpredictable in many parts of the world, and there is uncertainty linked to mutations.”


Samantala, nakapagtala ang Norway ng 130,000 kaso ng COVID-19 simula nang tumama ang pandemya noong nakaraang taon at ang kabuuang bilang naman ng mga nasawi ay 790.


Ayon sa Norwegian Institute of Public Health (FHI), 33% ng adult population ng Norway ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 habang 16% ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 14, 2021




Ginagamot ang 3 health workers sa Norway na naturukan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine matapos makaranas ng pagdurugo, blood clots o pamumuo ng dugo at mababang bilang ng platelets, ayon sa Norwegian health authorities noong Sabado.


Noong Huwebes, ipinatigil ng Norway ang pagbabakuna gamit ang AstraZeneca katulad ng Denmark. Sumunod sa dalawang bansang tumigil din sa paggamit nito ay ang Iceland.


Sa isinagawang news conference kasama ang Norwegian Institute of Public Health, nilinaw ni Sigurd Hortemo, senior doctor ng Norwegian Medicines Agency na wala ring kasiguraduhan kung may kaugnayan ba sa bakuna ang naranasan ng 3 indibidwal.


Aniya, "We do not know if the cases are linked to the vaccine."


Wala pa diumano sa 50-anyos ang tatlo.


Ayon din kay Hortemo, iimbestigahan ng European medicine regulator European Medicines Agency (EMA) ang insidente.


Pahayag naman ni Steinar Madsen, medical director ng Norwegian Medicines Agency, "They have very unusual symptoms: bleeding, blood clots and a low count of blood platelets.


"They are quite sick... We take this very seriously."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page