top of page
Search

ni Lolet Abania | July 5, 2022


ree

Pitong sundalo ang nasugatan, kabilang ang dalawa na nasa kritikal na kondisyon, matapos isang anti-personnel mine ang sumabog sa gitna ng kanilang community service sa Mapanas, Northern Samar, ngayong Martes.


Ayon sa military, ang tropa mula sa 20th Infantry Battalion at 63rd Infantry Battalion (63IB) ay nagsasagawa ng immersion activities nang mangyari ang pagsabog ng alas-6:15 ng umaga.


“Of the seven, dalawa ang critical, so ongoing ang evacuation nila sa hospital,” pahayag ni 8ID commander Major General Edgardo de Leon.


“Hopefully malagpasan nila ‘yung kanilang ordeal na, nagko-community service na nga, pinasabugan pa ng anti-personnel mine,” ani De Leon.


Isinisi naman ni De Leon sa grupo ng mga communist rebel na New People’s Army (NPA) ang naganap na pag-atake sa mga sundalo habang kinondena ang mga ito dahil sa umano paglabag sa batas na aniya, nagbabawal sa paggamit, stockpiling, produksyon at pag-transfer ng anti-personnel mines.


Ayon kay De Leon, nagsasagawa na ang mga awtoridad ng pursuit operations para sa ikaaaresto ng mga sangkot na mga rebelde habang aniya, inihahanda na rin ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa International Humanitarian Law (IHL).


Sinabi naman ni De Leon na walang sibilyan na nasaktan sa insidente.


 
 

ni Lolet Abania | June 5, 2022


ree

Namataan ang isang low pressure-area (LPA) na magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pagbuhos ng ulan at thunderstorms sa buong Sorsogon, Masbate, Romblon, Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, BARMM, at Visayas, ayon sa PAGASA ngayong Linggo.


Batay sa 4PM weather report ng PAGASA, ngayong alas-3:00 ng hapon ang LPA ay matatagpuan sa layong 30 km west-northwest ng Catarman, Northern Samar.


Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides, mula sa katamtaman hanggang sa paminsang malakas na pag-ulan sa mga lugar na apektado ng LPA.


Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pagbuhos ng ulan o thunderstorms.


Pinayuhan din ang mga residente na mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides na maaaring maranasan sa severe thunderstorms.


Ayon pa sa PAGASA, “wind speed forecast for the western section of the country is light to moderate moving southwest to south, while coastal waters will be slight to moderate, with waves ranging from 0.8 to 2.1 meters high.”


Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin na kumikilos southeast patungong southwest, habang ang mga coastal waters ay magiging mahina na may pag-alon na papalo mula 0.8 hanggang 2.1 metro ang taas.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 5, 2022

ni Jasmin Joy Evangelista | March 5, 2022


ree

Matindi ang natamong sugat ng isang 13-anyos na batang lalaki matapos na aksidenteng tamaan ng chainsaw ng kanyang ama sa bayan ng Laoang, Northern Samar.


Ayon sa mga awtoridad, nagpuputol ng kahoy ang ama ng biktima nang biglanb mabitawan nito ang chainsaw at tumilapon sa anak na noon ay tumutulong sa kanya.


Nagtamo ng sugat sa tiyan hanggang dibdib ang bata.


Kaagad na dinala sa ospital ang bata at ngayon ay nangangailangan ng tulong sa pagpapagamot.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page