Balitang Probinsya

NORTH COTABATO—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Badiangon, Arakan.
Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Roland Alamillo, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay si Alamillo ay biglang pumasok ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos tiyaking patay na ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

