top of page
Search

NI DEREK


ni Nitz Miralles - @Bida | April 12, 2021




Hindi pala isinauli ni Andrea Torres ang last Valentine’s Day gift sa kanya ni Derek Ramsay na isang pusa at pinangalanan niyang Lewis.


Sabagay, ilang months nang nakasama ni Lewis si Andrea at baka malito ito kapag nagising na nasa bahay na siya ni Derek.


Naalala ng mga fans ni Andrea kung sino ang nagbigay sa aktres ng naturang pet kaya nang i-post niya ang photo ni Lewis, ang daming nag-comment at sinabing “Derek Junior” daw ang pusa na kamukha ng hunk actor.


May nag-comment pang mas magandang magkaroon ng pet kesa playboy BF.

Lalo sigurong marami ang magko-comment sa larawan ni Lewis kung may caption dito si Andrea.


Anway, may nag-comment na ang pagpo-post ng mga photos at video with her family o ‘di kaya’y food na online ibinebenta nina Andrea ang pantapat ng aktres sa mga posts nina Derek at Ellen Adarna.


Wala nga namang puwedeng mai-bash kay Andrea kung laging malinis ang post sa social media.


Samantala, nalalapit na ang world premiere ng Legal Wives dahil sunud-sunod na ang airing ng teaser ng GMA-7.


Gagampanan dito ni Andrea ang karakter ni Diane, ang Katolikong asawa ni Ismael (Dennis Trillo).


Marami ang curious kung paano ang ginawang execution ni Director Zig Dulay para walang sektor na magreklamo kapag umeere na ang sinasabing cultural drama series.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 11, 2021




Ang tweet ni Zsa Zsa Padilla na “Been in pain for 5 days already. Don’t know what to do ‘coz the hospitals are full of COVID patients. I may need to go in and get the MRI test that I need. Good Lord have mercy!”


May kasunod pang tweet si Zsa Zsa na “Full for COVID. 'Yun na nga, napabayaan na din natin health natin kasi wala na checkup sa ibang sakit na nararamdaman. Huhuhu. Paano na?”


Sa naunang tweet, nabanggit ni Zsa Zsa na may pain sa kanyang back at leg, pero hindi sinabi kung ang area na ‘yun ng body niya ang kailangan ng MRI.



Nakalulungkot lang na sa ganu’ng tweet, na-bash pa rin si Zsa Zsa dahil OA raw siya dahil kung pupunta siya ng hospital, iba ang wing ng COVID patients sa non-COVID patients.


Pero, may rason ang takot ni Zsa Zsa na pumunta ng hospital at totoo ring hassle kahit magpa-checkup lang dahil sa ibang hospital, kailangang magpa-swab test muna bago makapagpa-checkup.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 10, 2021




Pati pala si Glaiza de Castro ay nagka-COVID at inamin niya ito sa interview sa kanya ng 24-Oras. Hindi nabanggit ni Glaiza kung kailan at kung saan siya nahawa ng COVID. Ang magandang balita lang, magaling na siya at bumalik muna sa Baler, Quezon habang nagpapalakas pa.


Ang pagkakasakit yata ang rason kaya natigil ang taping ng Nagbabagang Luha at naurong ang airing nito. Mahirap nga namang iere ang teleserye kung kakapusin ng for airing episode.


Isa pa ring nagka-COVID ay si Rhian Ramos na kasabay pa niyang nagkasakit ang manager na si Rachel Librado. Magaling na at nagpapalakas sina Rhian at Rachel at inamin ng aktres na natakot siya at nagpapasalamat na gumaling din.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page