top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | May 05, 2021




May pahayag si Maja Salvador sa naging relasyon nila ni Gerald Anderson sa interview sa kanya ng Mega Entertainment and as expected, sari-sari ang reactions ng iba’t ibang kampo.


“Dapat hindi namin pinilit. Oo na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro 'yung mahirap na sa umpisa, pero parang 'andiyan na, eh! Alam mo 'yung ganu'n? Pero alam mong nag-struggle kaming dalawa, individually. Kasi ako, gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa 'yung commercials niya. Ako talaga, as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsements.”


Pero ngayon, bawi na si Maja, may mga endorsements, may teleserye sa TV5, at may talent agency pa. At kung walang pandemic, may pelikula rin siya.


Higit sa lahat, happy ang love life niya sa piling ng BF na si Rambo Nuñez.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 15, 2021




Naglabas ng statement ang Star Magic tungkol sa pamba-bash ng mga walang magawang netizens sa mga anak ng mga artista kung saan kabilang ang baby boy nina Janella Salvador at Markus Paterson sa mga biktima. Sinundan ito ng anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza na si Enola Mithi na binantaan pang papatayin.


Heto ang nilalaman ng "Statement Against Bashing Of Artists Children On Social Media".


“Star Magic is deeply concerned about the bashing and threats directed to our artists’ young children on social media. These posts are not only irresponsible and unnecessary, but they are also downright heartless and cruel.


"We stand with our artists in calling out these people, who may be liable for violating the law against child abuse (Republic Act 7610) and existing libel laws.


"We will not hesitate in seeking legal action to make sure these individuals, whose posts have already caused undue hurt and trauma, will learn their lesson.”


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 14, 2021




Sa interview kay Richard Yap ng 24-Oras, inamin nitong nagka-COVID siya last year, nu'ng unang bugso pa lang ng pandemic. Inamin niya sa interview ni Lhar Santiago ang hirap na pinagdaanan niya nang magka-COVID.


“At the time, there was still no treatment for it. Also there’s no one who can help you, you have to be all by yourself, so psychologically, it was really very hard. There was nothing I could do but pray,” pahayag ni Richard.


Sa patuloy na pagtaas ng COVID case sa bansa, nagpo-focus si Richard sa kanyang health by working out at tamang kinakain. Kumuha siya ng personal trainer para siya’y matulungan o i-guide.


May kinalaman din sa sisimulang taping nina Richard at Heart Evangelista ng series na I Left My Heart in Sorsogon ang pagsabak niya sa workout. Ayaw daw niyang magmukhang bodyguard ni Heart kapag magkasama sila sa eksena at kailangan, nasa kondisyon ang kanyang katawan.


Nabanggit pala ni Richard na fan ni Heart ang anak niyang babae, kaya masaya ang anak na makakatrabaho niya si Heart. Tiyak, gugustuhin ng anak ni Richard na makilala nang personal ang bagong leading lady ng ama.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page