top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | May 25, 2021




Sinagot ni Heart Evangelista ng “I worked hard for that darling” ang comment ng netizen na edited ang ipinost niyang picture dahil bigla raw pumayat si Heart.


Makikita pa nga ang abs ni Heart sa larawang suot ang Louis Vuitton skirt at bitbit ang LV Capucines bag.


Binulabog na naman ni Heart ang mga netizens dahil sa suot niya na papunta lang daw siya sa market para bumili ng lemons and limes.


May nagkamaling mag-comment na parang edited ang photo niya, ayun, kawawang netizen, pinagtulungan ng mga followers ni Heart.


In fairness, nagwo-workout si Heart at may vlog nga siya kung paano naghihirap mag-workout, plus nagda-diet para hindi tumaba. Hindi siguro napanood ng nag-comment na baka edited ang photo niya, kaya inaway ng mga followers ni Heart.


Samantala, wala pang updates kung kailan magsisimula ang locked-in taping nina Heart, Richard Yap at Paolo Contis ng I Left My Heart in Sorsogon. Excited na ang mga fans nitong muli siyang mapanood sa teleserye.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 24, 2021




May exclusive interview si Julia Barretto sa Metro Style kung saan, maganda ang mga sinabi niya patungkol sa boyfriend niyang si Gerald Anderson. Kaya lang, sa nabasa naming mga comments, may mga netizens na hindi pa rin tanggap ang relasyon nila.


Anyway, bahagi ng interview sa aktres, saad ni Julia, “I am grateful every day that I have a partner that looks out for me, fuels me and drives me to become a better person, for everyone and most especially for myself.”


Sa tanong naman na “What was your first impression of Gerald as you got to know him, did that prove to be right?” sagot ni Julia, “Gerald from the very beginning is a gentleman. And anyone you ask would say the same thing. He is by nature a very caring and concerned individual and likes to make everyone feel comfortable and safe. Up to this day, I am proven right. I am well taken care of by this wonderful man.”


Natanong din si Julia kung ano ang “love and appreciated most” niya about kay Gerald at “Who is Gerald Anderson off-cam?”


Sagot ng aktres, “Gerald is the most generous person I know. He likes to share all his blessings and achievements with the people in his life. He enjoys these more shared and never alone. He puts others and their well-being first. He likes to give people the opportunity to grow. He knows how to push everyone around him to be the best version of themselves. Gerald doesn’t force this to others, he leads by example — and that to me, is a gift. Gerald off-cam is a funny guy. I don’t think this is a side of him many know. He has a unique humor that cracks me up all the time.”


Ang ganda ng mga sinabi ni Julia kay Gerald, pero nega pa rin ang dating sa mga ayaw sa kanilang relasyon. Parang mas kilala pa nila ang aktor kesa kay Julia sa comment na ganu’n lang sa umpisa si Gerald at nagbabago raw ang ugali.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 22, 2021




Tama ba ang nabalitaan naming lilipat na sa GMA Network ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon?


May blind item sana sa kanya sa isang site na Kapamilya actor na lilipat sa Kapuso Network, kaya lang, mabilis nahulaan ng mga netizens ang blind item.


Naalala kasi ng mga netizens ang photo na ginamit kay EJ na kahit blurred, nakita na ng mga netizens na ipinost daw ng aktor sa kanyang Instagram account.


Anyway, abangan na lang natin kung si Ejay nga ang lilipat na ito. Naalala lang namin na parang nabalita na rin ang tungkol dito last year, hindi lang natuloy at natigil ang balita.


Ngayon, mukhang totoo na ang balitang paglipat ni Ejay dahil may gagawin daw siyang teleserye sa Kapuso Network. Ang daming bagong teleserye na naka-line-up na gagawin ng GMA, saan kaya papasok si Ejay?


Napansin lang ng mga netizens na pawang mga aktres from GMA Network ang lumilipat sa ABS-CBN, samantalang mga aktor naman ng Kapamilya ang lumilipat sa Kapuso.


Halimbawa na lang sina Sunshine Dizon at Janine Gutierrez, from GMA to ABS-CBN. Sina Richard Yap at Albert Martinez at ngayon si Ejay (kung totoo ang tsika) ang lilipat sa GMA from ABS-CBN.


Si Ejay ay talent ni Perry Lansigan, habang ang isa pang talent niyang si Sunshine Dizon ay lumipat sa ABS-CBN.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page