ni Nitz Miralles - @Bida | June 01, 2021

Napa-react ng “Patay!” si Sheryl Cruz nang ibuking ng Yaya Laynie niya o sa salita ngayon “spill the tea” na nanliligaw nga kay Sheryl si Jeric Gonzales.
Ang yaya ni Sheryl ang guest niya sa vlog ng aktres at napag-usapan ang mga naging boyfriends at suitors ni Sheryl.
Sabi kasi ni Sheryl, kung gusto nating malaman kung sino ang mga naging boyfriends at nanligaw sa kanya, ang mga yaya niya ang tanungin.
Unang tanong ni Sheryl kay Yaya Laynie ay kung sino ang favorite nitong ex-boyfriend ng aktres?
Si Aga Muhlach ang isinagot ni Yaya Laynie at alam naman ito ng mga taga-showbiz. Tsika pa ng yaya, laging sinusundo ni Aga si Sheryl sa bahay nito na noon ay sa Valle Verde pa.
Sa tanong ni Sheryl kung sino ang nanligaw sa kanya na aprubado sa yaya niya, sina Anjo Yllana, Zoren Legaspi at Jeric ang isinagot ni Yaya Laynie.
Dito na napa-react si Sheryl ng “Patay!” dahil itinatanggi nila ni Jeric na may totohanang ligawang namamagitan sa kanila.
Siyempre, kinilig ang mga shippers nina Sheryl at Jeric sa ibinuking ni Yaya Laynie at hindi isyu sa kanila na 47 years old na si Sheryl at 28 years old lang si Jeric at 20 years ang age gap ng dalawa.
Sa mga taong nagmamahalan, hindi isyu ang agwat ng edad.
Sa drama series ng GMA-7 na Magkaagaw nagkakilala sina Sheryl at Jeric na may illicit relationship ang mga roles. Ang dami nilang kissing scenes, may bed scenes at bathtub scene pa at feeling ng fans, doon nagsimulang sila’y ma-develop sa isa't isa.






