top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | June 08, 2021




Kasama ni John Lloyd Cruz sa Araneta Coliseum sa guesting niya sa special show ng Shopee ang dalawa sa mga managers niya na si Maja Salvador at boyfriend nitong si Rambo Nuñez.

Kahit may suot na face shield, napansin ng mga tao sa Big Dome na naluha si Maja habang pinapanood sa stage si John Lloyd na kumakanta at nagko-co-host kay Willie Revillame.


So, hindi lang si John Lloyd ang naging emotional sa paglabas niya sa Wowowin: Tutok to Win na signal ng pagbabalik niya sa showbiz, kundi pati si Maja.


Marami rin sa mga fans ng aktor ang naiyak na balik-showbiz na siya.


Dahil pala sa guesting na ‘yun ni John Lloyd, gusto na ng mga netizens na simulan na niya ang taping ng sitcom nila ni Andrea Torres, pero hindi pa puwede. Wala pa yatang script si Direk Bobot Mortiz at nasa locked-in taping pa ng Legal Wives si Andrea.


Sitcom ang gagawin nina John Lloyd at Andrea, once a week ang airing at in-announce ni Willie na kasama siya sa cast.


Abangan na lang natin ang iba pang makakasama sa cast at kung ano ang magiging title ng sitcom.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 07, 2021




Nagpahayag ng suporta sa Jollibee si Regine Velasquez kasama ang anak na si Nate na kabilang sa mga endorsers ng controversial ngayong fast food chain.


Nag-post si Regine ng mga larawang kumakain sila ni Nate ng spaghetti at may picture pang kini-kiss siya ng mascot ng Jollibee.


Sabi ni Regine, “Ang pagsubok, lagi na talagang kakabit ng buhay natin. Pero ‘wag kang mag-alala, kakampi mo pa rin kami.”


Kaya lang, disabled ang comment box ng Instagram post ni Regine kaya hindi makapag-comment ng kanilang suporta ang maraming Jollibee supporters.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 05, 2021




Malalaman mong bored ang mga tao kung pati ang isyu kung sino ang mas kamukha ni Elias Modesto sa kanyang mga magulang na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ay pinag-aawayan.


Nagsimula ang sagutan ng pro-Ellen at pro-John Lloyd fans nang may tumawag kay Elias na “little John Lloyd” at sinundan ng comment na “Super-guwapo ng anak ni John Lloyd.”


Hindi ‘yun nagustuhan ng mga supporters ni Ellen at bumuwelta na kamukha ng aktres si Elias. Pati raw ilong at mga mata ng bata ay kay Ellen nagmana. Bata pa si Elias at kapag malaki na siya, doon na makikita kung sino ang mas kamukha nito.


Samantala, idinepensa ni Derek Ramsay si Ellen doon sa mga nag-comment sa post nito ng larawan na may hashtag na #mombod at underwear lang ang suot.


Sabi ni Derek, “My fiancee is a beautiful sexy woman. She has every right to express herself in the way she wants. I think the picture is decent, a sexy photo. She put in so much work after her pregnancy to get that body.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page