top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | May 10, 2022


ree

Natapos ang campaign period na hindi nangampanya ang mga anak ni Robin Padilla at ang asawang si Mariel Rodriguez nga, sa miting de avance na lang lumabas. Pero, ang mga anak ni Robin, wala kaming nakitang sumama sa kanya para mangampanya.


Gaya na lang ni Kylie Padilla na makakatulong sana sa kampanya ng ama, kaya lang, may mga anak ito at nag-locked-in taping ng Bolera. Nang matapos ang locked-in taping, tapos na rin ang kampanya.


Pero siguro naman, magiging proud si Kylie at mga kapatid nito kapag nanalo si Robin at naiproklamang senador.


Speaking of Kylie, tapos na nga ang taping ng Bolera at naka-schedule na ang world premiere sa May 30. Billiard player ang role dito ni Kylie bilang si Joni na lumabas ang husay sa larong ito sa sportserye ng GMA-7.


Sa direction ni Dominic Zapata, Kylie was given all the push ng network para maging successful ang Bolera. Mula sa cast, pinag-training din siya sa mahuhusay na billiard players gaya ni Efren “Bata” Reyes at may cameo pa ang mga players sa sportserye na tiyak aabangan ng mga fans ng mga champion billiard players.


May pa-shoutout si Kylie sa mga nakasama niya sa Bolera na natapos nila kahit may pandemic pa. Kasama niya rito sina Jaclyn Jose, Joey Marquez, Rayver Cruz, Jak Roberto at Gardo Verzosa.


“Most of the time, I don’t have a hard time detaching from the shows that I do. Usually I’m happy to finally be able to let go of a character and a team. BOLERA was hard to let go of. Yesterday was our last day. On the way home, I had a lump in my throat because I was heartbroken at saying goodbye to this show and to the wonderful people. I wasn’t ready.


"This show, this team will now be one of my most favorite experiences on a teleserye. It’s hard to be away from family lalo na isang buwan, pero naging pamilya ko kayo. I want to say thank you to everyone. The cast and crew. I made so many new friends and formed a new bonds with people I now have grown to love. Thank you for this experience. I am so extremely proud of our show. Can’t wait for everyone to watch it. I love you feisty Joni Girl. Learnt a lot from you. Thank you again everyone. Mahal ko kayo. #BOLERA.”


Curious lang kami, ibinoto kaya ni Aljur Abrenica si Robin?


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 9, 2022


ree

Bukod sa kanyang speech sa miting de avance ng Leni-Kiko tandem, nagpaabot ng personal messages si Sharon Cuneta sa ilang politicians na tumatakbo ngayong eleksiyon na malapit sa kanyang puso.


For Bongbong Marcos: “Maybe we don’t have to agree or like what you’ve done or what you have not done, for me to always remember your kindness towards me when I was growing up... I wish you and Liza and your beautiful boys God’s blessings... and we all come together once this is over and just be Filipinos.”


For Sara Duterte: “Inday... nagkakaintindihan tayo. Kahit wala na si Tatay (President Rodrigo Duterte) sa aking buhay ay never kang nawala. Alam ko, kasi hindi ka lang Sharonian, pero mahal kita. Kaya lang, ang bise-presidente ko talaga ay si Kiko.”


For Senate President Tito Sotto na kalaban din ni Sen. Kiko Pangilinan sa pagka-bise-presidente: “To my second father, Senate President Tito Sotto... Daddy, thank you for embracing me when I saw you... thank you for saying ‘I love you’ back... I love you very much Dad, but... I hope it doesn’t divide our family.”


For Helen Gamboa, the wife of Tito Sen: “Mama Helen, the only peace I found in my heart is that, you would have done the exact same thing for dad, if you had been in my shoes. After all, you raised me also and I am so much like you... ‘coz I’m your eldest. I love you very much and I miss you.”


Ngayong araw na ang eleksiyon. Bukas, sisimulan na ng mga pamilyang nahati dahil sa pulitika na muling mabuo ang kanilang samahan.


Natatandaan namin ang minsang sinabi ni Tito Sen na ang eleksiyon ay isang araw lang, ang pamilya ay pang-forever.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | May 8, 2022


ree

“God Bless You,” ang sagot ni Gladys Reyes sa nag-unfollow sa kanya dahil bilang Iglesia Ni Cristo, susunod siya sa unity voting at iboboto ang in-endorse ng INC na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte ng UniTeam.


Ipinaliwanag ni Gladys kung bakit siya at ang kanyang buong pamilya ay kaisa sa ipinatutupad ng INC, kung bakit may mga hindi pa rin nila matanggap at maintindihan.


“Ito ay ipinatutupad sa loob ng Iglesia sa simula’t simula pa lamang. Huwag din po sanang lagyan ng kahulugan ang kulay ng aking kasuotan nu'ng nakaraan, dahil 'yun lamang ang color motif para sa Mother’s Day Special na aming ginawa at wala na pong ibang ibig sabihin.


"Ako po ay patuloy na maninindigan sa aking pananampalataya, dumating man ang pag-uusig, 'di patitinag. Higit sa lahat, sana ay manaig pa rin po ang respeto at pang-unawa sa isa’t isa, magkaiba man po ng pananaw ang iba.”


Nag-comment ang mga kapwa INC ni Gladys na sina Jon Lucas, Regine Angeles at ang non-INC na si Ai Ai delas Alas na gaya niya, naba-bash dahil sa pagsuporta sa UniTeam.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page