top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | June 11, 2021




Sa July na ang world premiere ng The World Between Us kaya naglabas ng short teaser ang GMA-7 kung saan ipinapakitang magki-kiss na sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.


Si Alden din ang nag-voice over sa short teaser na nagdulot ng sari-saring reaction mula sa mga netizens.


May mga kinilig sa balik-tambalan nina Alden at Jasmine at wish nilang magkatuluyan dito ang mga karakter ng dalawa na sina Louie at Lia. Sana raw, ‘wag patayin ang karakter ni Jasmine gaya sa I Can See You: Love On The Balcony.


May umaasa namang iba ang concept ng TWBU sa mga naunang teleserye ni Alden para worth the wait ang kanilang paghihintay. Looking forward na rin ang mga Kapuso viewers na mapanood ang ibang cast ng teleserye na pawang magagaling.


‘Yun nga lang, hindi pa rin maiwasang may mga hate comments, gaya ng ayaw nila kay Jasmine as Alden’s leading lady at nakakatawa ang kanilang mga rason.


May nagreklamo naman na bakit sa July ang airing schedule ng TWBUna anniversary ng AlDub, ang love team nina Alden at Maine Mendoza. May rason na naman sila para hindi panoorin at i-criticize ang serye.


May nag-comment naman na unfair ang GMA-7 dahil hindi isinama si Tom Rodriguez sa teaser. Short teaser pa lang kasi ito at nakasentro kina Alden at Jasmine, hindi puwedeng isama si Tom dahil hindi sila love triangle sa story. Hintayin na lang ang mga susunod na teaser na kumpleto ang cast.


Samantala, isa ang virtual reality concert ni Alden na Alden’s Reality sa mga programs ng GMA Network na finalist sa 2021 New York Festivals (NYF) TV & Film Awards. Entertainment Special ang category ng concert. Kasama nitong finalist ang USA, United Kingdom, Germany, South Korea, Spain, Norway at Singapore.


Sa October 12 ang annual Storytellers gala na gagawin sa NAB sa Las Vegas. Kung wala sigurong pandemic, dadalo si Alden sa awards night at ang apat pang finalists na programs ng GMA Network.


Kabilang sa mga finalists ang Kapuso Mo, Jessica Soho ni Jessica Soho, Reel Time, Reporter’s Notebook at The Atom Araullo Specials.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 10, 2021




Nag-react ang mga fans ni Kim Chiu sa lumabas sa isang website na diumano'y isinagot ng aktres sa "Truth or Drink Challenge" sa kanyang vlog na… “Pangit? Hindi ako nagjojowa ng pangit.”


Tinanong kasi si Kim kung nagka-boyfriend na ba siya ng pangit at ‘yun daw ang sagot nito.


Pero, sabi ng mga fans ng aktres na nakapanood ng vlog, ang isinagot daw ni Kim ay “Hindi ako nagka-jowa ng pangit.”


Pinanood namin ang vlog at tama naman ang nasulat na sinabi ni Kim, "Hindi ako nagjojowa ng pangit".


Bakit ba ginagawang isyu 'yan, eh, tama namang ang guguwapo ng mga nakarelasyon ni Kim.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 09, 2021




Matagal na sigurong hindi nakikita at nakakapiling ni John Lloyd Cruz ang anak na si Elias Modesto dahil napa-post ang aktor sa kanyang IG Story ng “I miss u anak.”

Ang last na nakita ng mga netizens na magkasama ang mag-ama ay noong pumunta sa Puerto Galera ang aktor para makipagkita at makipag-usap kay Willie at isinama niya si Elias.


Siguro, nagkita uli ang mag-ama, hindi na lang ipinost ni John Lloyd o baka hindi pa uli sila nagkikita kaya nag-post sa IG na nami-miss na nito si Elias.


Comment ng mga netizens, sana, nabasa ni Elias ang post ng kanyang ama.


Speaking of John Lloyd, araw-araw siyang nasa balita at favorite topic pa rin ang guesting niya sa Wowowin: Tutok to Win at ang kanyang pagkanta ng Yakap. Ang composer na si Vehnee Saturno pala ang nag-supervise kay John Lloyd sa recording ng nasabing song.


Ipinost ni Vehnee ang picture nila ni John Lloyd sa recording studio at kung babasahin ang kanyang caption, hindi ‘yun ang huling beses na kakanta ang aktor.


Sabi kasi ni Vehnee, “Recording session with John Lloyd for Shopee Promo. Watch for his original songs very soon!”


Ang linaw ng post ni Vehnee na magre-record ng original songs si John Lloyd na siguradong compositions niya at plural ang post niyang “songs.” Ibig sabihin, hindi lang isa ang kanyang ire-record, marami pa.


Recording star na rin si John Lloyd Cruz!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page