top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | June 25, 2021




May sagot na si Xian Lim sa balitang kino-consider siya ng GMA Network na leading man ni Jennylyn Mercado sa gagawin nitong teleserye na Love. Die. Repeat.


Sa interview ng Pika-Pika sa actor via Viber, sabi nito, kamakailan lang niya nalaman na may negosasyon ang Viva Artists Agency sa GMA-7 na pagtatambalan nila ni Jennylyn.

Elated daw si Xian at sabi nito, “Just to be considered... ma-bring-up ang name mo ng isang network, it really means a lot to me.”


Kung maaayos ang usapan, first time ni Xian na gumawa ng project sa Kapuso Network. Nagge-guest na siya sa Maynila noon, pero blocktimer ‘yun at hindi station-produced.


Hindi pa niya na-meet si Jennylyn at excited siyang ma-meet ang aktres. Naniniwala si Xian na if ever, magiging maayos ang pagtatrabaho nilang dalawa.


“I know she’s a talented actress. Para mawala ‘yung mga hiya-hiya at kaba, nawo-workout naman 'yun sa workshops and once you start working,” sabi ni Xian kay Jennylyn.


Ang nabasa naming concept ng Love. Die, Repeat., mamamatay ang husband ni Jennylyn, bagay na hindi makalimutan ng kanyang karakter. Hindi raw makakawala sa time loop ang karakter ni Jennylyn. Hindi naman siguro ang gagampanang karakter ni Xian ang mamamatay.




 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 24, 2021




Kahapon ginanap ang mediacon ng The World Between Us kung saan ipinakilala ng cast ang kani-kanilang karakter. Si Alden Richards ay si Louie na ang description niya ay “Hardworking student, matalino, masipag sa buhay. May nangyari lang na unfortunate events sa buhay niya na nag-push pa sa kanya even further to his limits.”


Excited na ang mga fans ni Alden na makilala si Louie at hindi na magtatagal ang paghihintay nila dahil sa July 5 after 24-Oras na ang world premiere nito. Inaabangan din ang mga eksena ni Alden with Tom Rodriguez, Sid Lucero, Dina Bonnevie, Jasmine Curtis-Smith at Jaclyn Jose. Si Dominic Zapata ang director ngThe World Between Us.


Relate na relate si Alden sa karakter niyang si Louie sa teleserye na mahilig din sa games at technology dahil kilalang gamer ang aktor. Ang gaming nga ang favorite ‘me time’ activity niya at may paliwanag siya kung bakit.


“’Yun ‘yung pinaka-sanctuary ko, when I play games after work. Parang ‘yun ‘yung nagde-detach sa akin sa showbiz world,” paliwanag nito.


Samantala, sa interview kay Alden ni Cassy Legaspi sa Sarap, ‘Di Ba, natanong si Alden kung ano ang mga gustong ma-achieve this 2021.


“Build my own house, do an international project, at saka find that someone.”


Wish ng mga fans ni Alden, makahanap na siya ng babaeng mamahalin this year. Last year, ito rin ang wish niya, kaya lang nagka-pandemic, alangan namang unahin pa nito ang paghahanap ng girlfriend.




 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 23, 2021



File photo-IG ryan_agoncillo


Kabilang sina Judy Ann Santos at Jericho Rosales sa mga naka-announce na magge-guest sa Mars Pa More this week. Pero bago isiping baka simula na ito ng paglipat ng dalawa sa GMA-7, kaya lang magge-guest sina Judy Ann at Jericho ay dahil makikisaya sila sa birthday celebration ng mga hosts ng morning show ng GMA-7 na sina Camille Prats at Iya Villania.


Noong June 20 ang birthday ni Camille at sa June 29 ang birthday ni Iya.


Kaibigan ni Camille si Judy Ann at wala naman sigurong masama kung mag-guest ang huli para batiin ng happy birthday ang TV host.


Ang nakikita naman naming koneksiyon sa pagge-guest ni Echo bukod sa kaibigan niya si Iya at gusto niyang batiin sa kaarawan nito ay dahil magkasama sila sa isang riding crew.


Pero, anupaman ang dahilan ng pagge-guest nina Judy Ann at Jericho, magkakaisyu pa rin.


Makikisaya rin sa birthday nina Camille at Iya sina Ryan Agoncillo, Sanya Lopez at Alden Richards. Baka sa Friday episode ang airing ng guesting nina Echo at Juday.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page