top of page
Search

'DI MA-TAKE NG FANS.


ni Nitz Miralles - @Bida | July 03, 2021




Nabulabog na naman ang Kapamilya fans dahil sa balitang ipapalabas sa GMA Pinoy TV ang Tala: The Film Concert ni Sarah Geronimo. Iniisip ng mga fans na baka simula na ito ng paglipat ni Sarah sa GMA Network, eh, kalilipat lang ni Bea Alonzo.


Kaya may nagko-comment na sana, ‘wag iwan ni Sarah ang ABS-CBN na minahal at sinuportahan siya.


Lalo pang nangangamba ang Kapamilya fans sa mga comments na nangangamoy-lipatan ang move na ito ng Viva Entertainment na sa GMA Pinoy TV sa halip na sa TFC o sa digital channel ng ABS-CBN ipalabas ang Tala.


Sa July 18 ang airing ng Tala na tinawag na “A different kind of musicalexperience,” staged at the Araneta Coliseum.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 02, 2021




Si Ellen Adarna na ba ang susunod na ikakasal sa ating mga local celebrities?

May post kasi ang fiancee ni Derek Ramsay na parang may hawak na gown at ang caption ay “Fitting.”


Ang dating sa mga netizens, nagsusukat na ito ng kanyang wedding dress o gown para sa wedding nila ni Derek na sabi, this year na.


Isa ang magiging wedding nina Ellen at Derek sa mga hinihintay ng marami - supporters, shippers, haters and bashers man ng couple. Pero, siguradong kahit ikasal na ang dalawa, hindi pa rin sila tatantanan.


Anyway, pati si Elias, may meme na at ang daming memes ng bata na ipinadala kay Ellen. Ito ‘yung eksena na kumakain ng chocolate biscuit ang bata at kinuha ni Ellen dahil marami na yatang nakain si Elias. Panalo ang reaction ng bata nang kunin ni Ellen sa kanyang kamay ang kinakain. Ang dami tuloy version ng meme na lumabas na puro nakakaaliw.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 26, 2021




Pati kay James Yap, may nag-condolence sa pagpanaw ni former President Noynoy Aquino.


Nag-post kasi si James sa kanyang Instagram account ng larawan ni P-Noy at nilagyan ng caption na: “Rest in peace, President Noynoy Aquino. Thank you for being nice to me. You will be missed.”


Pero, hindi na siguro susundin ni James ang suggestion ng mga netizens na pumunta siya sa burol ni P-Noy bilang respeto at para kay Bimb. At least, nagparating na si James ng kanyang condolences.


Pati ang partner ni James na si Michela Cazzola, nakiramay din sa pagpanaw ni P-Noy at kay Kris niya in-address ang pakikiramay. Nag-comment ito sa IG ni Kris ng “Condolences, Kris. Had the honor to work with your brother’s administration. Am sorry to hear about the sad news.”




 
 
RECOMMENDED
bottom of page