top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | July 07, 2021



May mga nag-react sa inamin ni Bea Alonzo sa interview niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho na hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad si Gerald Anderson sa ginawa nito sa kanya. Nabanggit ni Bea na naiinis pa rin siya sa nangyari at hindi rin niya alam kung bakit hindi pa maalis ang galit niya.


Sabi ng mga netizens, dapat ay mag-move on na si Bea at iwan na sa ABS-CBN ang mga hinanakit niya sa buhay, pati ang heartaches na dala ng paghihiwalay nila ni Gerald para totally, maging masaya na siya.


Sabi naman ng mga fans ni Bea, give her time to forget and to move on, ‘wag pilitin ang sarili na sabihing napatawad na niya si Gerald kung hindi pa bukal sa loob niya. Mas mahirap daw na i-deny ang kanyang nararamdaman.


Tama kaya ang paniwala ng mga netizens na kaya hindi pa mapatawad ni Bea si Gerald ay dahil mahal pa niya ito?


Ayaw nina Julia Barretto at Dominic Roque!

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 05, 2021



Nabanggit ni Bea Alonzo sa interview sa kanya ng Kapuso Mo, Jessica Soho na one month ang bakasyon niya sa Amerika at sabi pa nito, mas ma-hiking at mas road trip ang bakasyon nila ng kanyang mga kasama at sa ibang parte raw ng California ang punta nila.


So, kung one month ang bakasyon ni Bea at kung aalis siya this July, end ng August pa ang balik niya and by that time, may nakahanda na sigurong project sa kanya ang GMA-7 at ilalatag na lang pagbalik niya.


Hindi nabanggit ni Bea kung sino ang makakasama niya sa paglipad pa-California, pero ang mga shippers nila ni Dominic Roque, naniniwalang magkasamang magbabakasyon ang dalawa.


Nabasa kasi nila ang post ni Dominic na “Leaving soon!” at “SF soon,” kaya paniwala ng mga fans ng dalawa, kasama ang San Francisco sa itinerary nina Bea at Dominic at ng iba pa nilang kasama.


This is not the first time na magta-travel na magkasama sina Bea at Dominic dahil may mga nauna na rin silang travel together. Ang ikinae-excite ng mga fans ng dalawa, baka raw sa kanilang pagbabalik, aminin na nila ang kanilang relasyon. Mas matutuwa raw sila ‘pag finally, umamin na ang dalawa.


And speaking of Bea, sa said interview pa rin sa kanya ng KMJS, muling nabanggit na gusto niyang magka-talk show na pinaboran ni Jessica Soho. Eloquent at articulate raw ang bagong Kapuso actress at bagay siyang talk show host.


Reaction tuloy ng isang Kapuso viewer, bakit ‘yung mga lumilipat sa GMA-7, gusto ng talk show? Nauna na kasing nabanggit ni Pokwang na gusto niya ng talk show. Unahan na lang sila ni Bea kung sino ang mauunang mabigyan ng talk show.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 05, 2021



Ngayong Lunes na, 8 PM, ang world premiere ng The World Between Us na ikino-consider ni Alden Richards bilang one of the best teleseryes na kanyang nagawa.


Nag-sorry muna ang aktor bago binanggit ni Alden ang rason kung bakit niya nasabing this is one of the best.


Aniya, “No offense meant sa iba kong projects. Ngayon lang uli ako gumawa ng character na gaya ni Louie Asuncion. This is something different. Acting project ito. When I read the script, I was a bit apprehensive. Iba ‘pag binasa mo lang o sa ikinuwento lang sa ‘yo ‘pag kinukunan na. I was always looking forward going to the set. I am so happy with this project. Medyo gray ang karakter ko at first time kong gagawin,” sabi ni Alden.


Bukod sa love story nila ni Lia (Jasmine Curtis-Smith), siguradong susubaybayan din ang whole story, pati ang paghihiganti ni Louie sa mga umapi sa kanya at kasama roon sina Tom Rodriguez at Sid Lucero.


Naikuwento pala ni Alden na ang lahat ng eksena sa The World Between Us ay kinunan sa isang five-star hotel na ginamit na location ng production at ni Director Dominic Zapata.


Hindi na sila lumalabas dahil nasa hotel ang lahat ng locations na kailangan sa story at pati airport scene ay doon din kinunan.


Idagdag pa ang mahusay na cinematography, susubaybayan nga talaga ang teleserye.


Mahal at suportado talaga ng kanyang mga fans si Alden dahil ang iba sa kanila, nagpagawa pa ng poster at ipinamigay sa mga drivers para ipaskil sa trike nila.


Pati sa mga tindahan sa palengke, namigay din ng poster at may ipinagawa pa silang solo sticker ni Alden.


Ang ibang fans naman ay may pa-giveaway sa kapwa fans na manonood sa pilot airing.


On his part, may pa-contest si Alden sa kanyang mga fans. May three winners ng iPhone 12 Promax at one winner ng LG Oled 55 inch TV. Manood lang, mag-selfie while watching, i-post sa Twitter using the hashtag #TheWorldBetweenUs at mag-pray na kayo ang mapili ni Alden na manalo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page