top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | July 12, 2021



Salitan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa pagkuha ng larawan ng isa’t isa dahil parang dalawa lang sila at walang ibang kasama sa month-long vacation nila sa Los Angeles at San Francisco, California.


Wala kasing ibang tao na nakakasali sa mga litrato nila. Ibig sabihin, salitan lang sila sa pagkuha ng picture.


Kinilig nga ang mga BeaDom shippers sa mga paayuda ni Dominic sa vlog nito na kahit walang mga mukha, halatang holding hands sila habang naglalakad.


Kinakiligan din ng mga fans ang video na ipinaghihimay siya ni Bea ng lobster. Ang sweet daw ng aktres sa boyfriend at tiyak na sarap na sarap si Dominic.


Naniniwala rin ang mga fans ng dalawa na sa 31st birthday ni Dominic sa July 20, aaminin na nila ni Bea ang kanilang relasyon dahil may mga paramdam na sila.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 10, 2021



Dapat siguro, malinaw ang rason sa paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla dahil sinugod sa kanyang Instagram account si Cindy Miranda, ang kapareha ni Aljur sa Nerissa at ang sasama ng mga sinasabi sa dating beauty queen-turned actress.


Tinawag na home wrecker si Cindy at bawal daw ang magmahal sa lalaking may asawa at may dalawang anak. Nakadagdag sa paniniwala ng mga netizens na si Cindy ang third party sa paghihiwalay nina Aljur at Kylie ang pagla-like ni Aljur sa post ni Cindy ng larawan na magkasama sila. Pati ‘yung post ni Aljur ng three heart emojis, binigyan ng meaning. Pumupuso raw ang aktor na malamang, tumutulong lang sa pagpo-promote ng kanilang pelikula.


Siguro, hindi pa nababasa ng mga netizens ang sagot ni Cindy sa mga nag-aakusa sa kanya na third party kina Kylie at Aljur.


Post nito, “I’m not the third party. Thanks.”


Saka, wala pang anak si Cindy, ito ay kung totoo ang tsikang may anak ang nali-link kay Aljur. I’m sure, kani-kanya ng stalk ang mga netizens kung sino ang aktres na ito.


Samantala, habang may isyu sa kanila ni Kylie, si Aljur ay nakipag-bonding sa mga anak sa Batangas kung saan nakatira ang parents ng aktor. So, libre niyang naisasama ang mga anak sa gusto nilang puntahan.



 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 08, 2021



Noong Martes nang gabi lumipad pa-Amerika sina Bea Alonzo at Dominic Roque at sa ipinost ni Dominic na photos, sa Los Angeles siya lumapag. Sa LA at San Francisco raw ang parte ng California na bibisitahin ng dalawa.


Sa mga nakita pa rin naming larawan, parehong all black ang suot nina Bea at Dominic at tulad ng dati, hindi pa rin sila nagpapakuha ng picture na magkasama. Kailangang hiwalay sila lagi, kaya lang, may isang picture na solo lang si Bea, hindi nito namalayang nasa likod niya si Dominic at nakunan ng litrato, kaya parang magkasama na rin sila sa picture.


Ganito noong una sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, noong bago pa lang ang relasyon, hindi nagpapakuha ng litrato na magkasama. Later on, pumayag na rin silang makunan ng litrato, noong open na sila sa kanilang relasyon.


Kaya waiting ang BeaDom shippers na aminin na nina Bea at Dominic ang relasyon nila para puwede na silang makunan ng litrato nang magkasama.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page