top of page
Search

SA MGA PAKILIG NA VIDEOS.


ni Nitz Miralles - @Bida | July 17, 2021



Sa first week ng August pa raw ang balik nina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa one week vacation nila sa California, USA. Ibig sabihin, marami pa silang mga lugar na pupuntahan at marami pa silang kukunang larawan at videos at gagawing vlog.


Kaya lang, hanggang hindi pa inaamin ng dalawa ang kanilang relasyon, paa, kamay, buhok, baggage, relo, food na kinain, suot na sapatos at kung anu-ano pang parte ng katawan muna ang makikita sa kanilang ipino-post na litrato. Bahala na muna ang kanilang mga fans na pagtagpi-tagpiin ang mga litrato at videos para malamang magkasama sila.


Nanghihinayang nga ang BeaDom fans dahil pampakilig sana ‘yung vlog ni Dominic na hinihimayan siya ng lobster ni Bea, kaso kamay lang ng aktres na naghihimay ang napanood. Pati ang video na sinusubuan naman ni Dominic ng food si Bea, kamay lang niya, food at bibig ni Bea ang mapapanood.


Comment ng mga fans, mga kamay nina Bea at Dominic ang mga bida sa kanilang photos, videos at vlogs.


Wish ng BeaDom fans, bago man lang bumalik sa Pilipinas sina Bea at Dominic, mag-share sila ng photos at videos na magkasama sila at kita ang kanilang mga mukha. Sana naman daw, pagbigyan sila.


Samantala, nabanggit ni Bea na pagbalik niya ng bansa, magge-guest siya nang live sa All-Out Sundaysat kakanta raw siya. Natuwa naman ang mga fans nina Bea at Alden Richards dahil magkikita sila kapag nag-guest siya sa AOS.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 16, 2021




Nadagdagan ang mga nali-link kay Aljur Abrenica at inaakalang third party sa kanila ni Kylie Padilla. Pagkatapos ni Cindy Miranda, nabanggit ang pangalan ni Maika Rivera, pero gaya ni Cindy, nag-deny din ang GirlTrends member.


Ngayon, isa pang dating GirlTrends member na si Erin Ocampo naman ang sinasabing naging dahilan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie. Wala pang reaction si Erin sa pagkakaugnay sa isyu ng mag-asawa.


Bale ba, lumipat na pala sa GMA si Erin at posible silang magkita ni Kylie na Kapuso talent din.


Sa mga gustong makita si Erin, malapit nang lumabas ang karakter niya sa The World Between Us.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 15, 2021



Kinilig ang mga shippers nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa comment ng aktor sa Instagram post ng aktres kung saan sabi ni Dominic ay “i*y (with flying kiss emoji” na malinaw namang “I love you” ang gustong tukuyin.


Bakit hindi pa raw binuo ni Dominic ang kanyang post dahil gusto nilang malaman kung sasagutin ni Bea at kung paano nito sasagutin.


Tuloy, ‘yung friends ng dalawa ang nagbuo ng “I love you,” kaya natuwa na rin ang mga fans.


Waiting talaga sila sa birthday ni Dominic sa July 20 at baka nga naman gawin nang public ng dalawa ang kanilang relasyon.


Nakakaaliw lang na kung sina Bea at Dominic, hindi ginagawang isyu ang two-year age gap nila, big deal sa mga bashers na 31 years old lang si Dominic (turning 32) at 33 naman si Bea.


Ang daming successful relationship na older ang girl sa guy. At tama ang mga fans ng dalawa, kung hindi isyu sa kanila ang edad, bakit sa mga netizens, ginagawang isyu?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page