top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | July 21, 2021



Walang social media account si Willie Revillame, kaya kay John Estrada idinaan ng ilang netizens ang payo sa TV host na ‘wag nang ituloy ang pagtakbong senador sa 2022 elections. Mas makakatulong daw si Willie kung mananatili bilang host ng Wowowin at ituloy ang pagtulong sa nangangailangan.


Kaya lang, kung naghahanap na ng host ng Wowowin si Willie, ibig sabihin, tuloy na siya sa pagtakbong senador sa susunod na elections at kinausap na nga siya ni President Rodrigo Duterte. Kung sakali, magiging katiket ni Willie sina Sen. Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda at Gregorio Honasan.


Nagkita kasi sina John at Willie nang dalhin ng una ang kanyang pamilya sa private resort ng BFF sa Puerto Galera. Kasama ni John ang asawa at anak at mga anak nila ni Janice de Belen.

 
 

SA ANAK NA SI DANI.


ni Nitz Miralles - @Bida | July 20, 2021



Mukhang magkakaroon ng isyu ang estranged father and daughter na sina Kier Legaspi at Dani Barretto.


Obvious na hindi nagustuhan ni Kier ang interview ni Dani sa vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan sinabi ng anak ni Marjorie Barretto na nag-reach out siya sa amang si Kier. May iba pa yatang sinabi si Dani tungkol sa relasyon nila ng ama na hindi nagustuhan ni Kier.


May post si Kier na, “Magpa-interview kaya ako para 'yung side ko naman ang marinig. I’m trying to take all the punches and lies but let’s see how you would feel if I tell my side of the story. Game?”



May dapat bang ikatakot si Dani sakaling totohanin ni Kier ang magpa-interview para ang side naman niya ang marinig ng tao?

Marami ang nagpapayo kay Kier na magpa-interview na siya para raw malaman kung ano ang totoo. May nag-comment din na gusto nilang marinig ang side ni Kier sa estranged relationship nila ni Dani.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 19, 2021



Nakunan din ng picture na magkasama sina Bea Alonzo at Dominic Roque at nangyari ito sa baby shower ni Beth Tamayo na alam nating tita ng aktor.


Tuwang-tuwa at kinilig ang mga BeaDom shippers na matagal naghintay na may lumabas na larawang magkasama sila at hindi ‘yung kina-crop ang isa’t isa.


Sa San Francisco, California house ni Beth at ng American husband nito ginanap ang baby shower at comment ng mga fans, ipinakilala na siguro ni Dominic si Bea sa kanyang tita na malamang, nangyari nga.


Hindi naman siguro nag-request sina Bea at Dominic na ‘wag silang kunan na magkasama o ‘wag i-post ang kanilang mga litrato na magkasama.


May napanood pa kaming video sa baby shower kung saan makikitang nag-enjoy sina Bea at Dominic, lalo na sa mga pa-games.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page