top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | July 28, 2021



Mukhang si Kisses Delavin ang sa ngayon ay most popular delegate sa 2021 Miss

Universe Philippines sa dami ng sumusuporta sa kanya.


Hindi lang mga fans ang sumusuporta kay Kisses, kundi pati mga taga-showbiz, at ‘yung post niyang “Hello Universe! Vote for me, your Miss Universe Philippines delegate #66 Kirsten Danielle Delavin from Masbate in the @themissuniverseph app!” ay sinuportahan.


Pati mga beauty queens, artists from ABS-CBN and GMA-7, nagpahayag din ng suporta kay Kisses at kasama rito si Marian Rivera na ipinost sa kanyang IG Stories ang official photo ni Kisses bilang delegate ng Miss Universe Philippines.


May binanggit pa si Kisses na “I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines! Samahan n'yo po ako sa journey ko sa #Miss UniversePhilippines.”

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 26, 2021



Marami na pala ang gustong ma-interview si Willie Revillame para siguro malaman ang political plans niya at plataporma sakaling ituloy ang pagtakbong senador sa 2022 elections. Pero sabi nito, kung sakali, uunahin niyang magpa-interview sa mga taga-GMA Network.


Nakakahiya raw kina Mel Tiangco, Vicky Morales at Mike Enriquez na anchors ng 24-Oras kung mauuna pa siyang magpa-interview sa ibang network gayung sa Kapuso Network umeere ang Wowowin. Saka, kung sa radio, may DZBB ang GMA.


Ayon pa kay Willie, saka siya magpapa-interview kapag nakapag-decide na siyang tatakbo at sa August niya ia-announce ang kanyang desisyon.


Malapit na ‘yun, kaya hintayin na lang ng mga gustong mag-interview sa kanya.


“Kaya nakikiusap ako, ‘wag n’yo muna akong tirahin, wala pa akong desisyon.


Hintayin n’yo ang desisyon ko bago n’yo ako tirahin at i-bash,” sabi pa ni Willie.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 25, 2021




Hindi madi-disappoint ang mga fans ni Heart Evangelista sa inaabangang mga OOTD niya sa rom-com series ng GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon dahil mula sa first day ng taping, fashionista na fashionista ang datingan ni Heart. Puro branded ang suot nito, mula sa damit, hanggang sa bag at sapatos.


Sa mga lumabas na photos, kundi Louis Vuitton, Chanel at YSL ang suot ni Heart, pero mas marami siyang suot na LV mula sa pants, skirt, dress at bags. Hindi pa nasa-sight ang mga sapatos na suot ni Heart na tiyak, LV din at iba pang international brand na laging ginagamit ni Heart.


In fairness, may chemistry sina Heart at Richard Yap, at ganu’n din sina Heart at Paolo Contis. Kasama rin pala sa cast si Michelle Dee at sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


At para mas mabilis ang trabaho, sina Mark dela Cruz at Rechie del Carmen ang mga directors ng rom-com series.


Positive ang comments ng mga netizens sa series kahit photos at behind the scenes pa lang ang kanilang nakikita. May K-drama feels daw ang I Left My Heart in Sorsogon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page