top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 01, 2021




Love ng mga netizens si Kylie Padilla dahil lahat ng gawin nito ngayon sa social media, suportado nila.


May 4M followers na si Kylie sa Instagram at ‘yung first TikTok video niya na kasama si Andrea Torres, after six days of posting, umabot sa 1.1 M ang followers.


Kaya siguradong papatok ang comeback project ni Kylie, ang LGBT-themed film na BetCin na sila ni Andrea ang magkasama. Tuwing may ipino-post si Kylie tungkol sa nasabing proyekto, ang dami agad views at comments.


Ang post nga ni Kylie na nasa bed sila ni Andrea, aabot na sa 100K ang likes. Ang request ng mga netizens sa GMA-7, pagsamahin sina Kylie at Andrea sa lesbian series na kagaya ng The Rich Man’s Daughter nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.


Pangako ng mga netizens, susuportahan nila ang series.


May mga nagtatanong pala kung ano ang reaction ni Aljur Abrenica sa BetCin project ni Kylie at sa pagiging active nito sa TikTok?

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 31, 2021



Ipinalabas na ang first kissing scene nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa The World Between Us at marami ang kinilig sa eksenang ‘yun.


Ang sabi, may mga susunod pang kissing scenes lalo na kung matutuloy ang eksenang magtatanan sina Louie (Alden) at Lia (Jasmine).


Kaya pala tuloy ang “pag-iingay” ng ilang AlDub fans pa rin. Ang iniisyu naman nila ngayon, bawal daw ang incest relationship between Louie and Lia.


Pero, hindi naman tunay na magkapatid ang mga karakter nina Alden at Lia dahil ampon lang si Louie ng mom ni Lia na si Rachel (Dina Bonnevie).


Matagal pa ang itatakbo ng The World Between Us, ang dami pang makikitang isyu ng ibang fans na ayaw pa ring makitang may ibang kapareha si Alden at si Maine Mendoza.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | July 29, 2021




Muling mapapanood sa telebisyon si Kris Aquino dahil siya ang special co-host ni Willie Revillame sa 8.8 Mega Flash Sale ng Shopee na eere sa GMA-7 sa August 8.


In-announce na ni Willie sa Wowowin: Tutok to Win na si Kris ang special co-host niya sa show na mapapanood mula 10 AM hanggang 12 NN bago ang All-Out Sundays.


Si Kris pala ang ilang araw nang binabanggit ni Willie na special co-host niya at noong isang araw, pinangalanan na nga niya.


Matagal nang hindi napapanood sa TV si Kris. Hindi na rin siya nag-a-update sa kanyang social media accounts.


Ang last post ni Kris sa Instagram ay noong June 28 pa at ang video ay ang confirmation ng pagpanaw ng brother niyang si former President Noynoy Aquino. Mula sa nasabing petsa, wala pang bagong post si Kris. Nami-miss na siya ng kanyang mga followers.


Kaya, sa balitang special co-host siya ni Willie sa Wowowin, siguradong marami ang mag-aabang kay Kris. Maaalalang nabalita noon na magge-guest si Kris sa show ni Willie, pero hindi natuloy.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page