top of page
Search

GOOD FOR THEM. CONGRATS!.


ni Nitz Miralles - @Bida | August 05, 2021



ree

Hindi na siguro hihingin ang reaction nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres at hindi na magre-react ang dalawa sa naging reaction nina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa posibilidad na magsama ang mga ex nilang sina Andrea at JLC sa isang sitcom ng GMA-7.


Sagot kasi ni Ellen nang tanungin sakaling magsasama nga sina JLC at Andrea sa isang project, “Good for them. More blessings, more fun.”


Sinundan ito ni Derek ng “That’s true! Congratulations. I mean, may project sila together. Maganda ang sitcom kasi it spreads good vibes. So, wala naman akong ano. Congrats!”


Saka, ma-interview man sina JLC at Andrea, good words din siguro ang ibabalik sa sinabi nina Derek at Ellen.


Sa last interview kasi kay Andrea, nabanggit nitong pinapraktis niya ang pagiging positive at nakakatulog siya nang mahimbing knowing na wala siyang sinaktang tao.


Anyway, inaabangan ng mga viewers ng Legal Wives ang pagpapakasal ng karakter ni Andrea na si (Diane) at ni Ismael (Dennis Trillo) at ang mga eksena ng tatlong asawa ni Ismael.


Naikuwento kasi ni Andrea ang mga batuhan nila ng linya at ang setup sa Muslim family na ang lalaki ay may tatlong asawa.


Inaabangan din ang streaming ng LGBT-themed movie nina Andrea at Kylie Padilla, kung saan, parang may kissing scene sila at may bed scene pa.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 04, 2021


ree

Kasabay ng paglabas ng Mega Entertainment sa coming out ni Mond Gutierrez ang paglabas ng article ni Nathalie Tomada sa Philippine Star na may feature kay Mark Bautista titled Mark Bautista reflects on journey since coming out three years ago.


Yes, nag-come out na rin si Mark na member siya ng LGBTQIA+, na actually, noon pang February, 2018 nang lumabas ang libro niyang Beyond The Mark kung saan inamin niya ang pagiging bisexual.


Hindi makakalimutan ang pahayag ni Mark na nasa kanyang libro: “I have since made peace with the self-knowledge that I love both sexes and, if given the chance, I would love to have kids and settle down and have a family.”


Bale, dalawa sina Mond at Mark na nag-come out last Sunday. Si Mond via a lifestyle magazine and si Mark, via a newspaper.


Positive ang feedback sa pagka-come out ni Mond. Kung may nega comments man, mangilan-ngilan lang at ang sinasabi lang ay matagal na nilang alam ang gender niya.


Iba ang kaso ni Mark. Sa tanong ni Nathalie sa reaction ng showbiz community sa kanyang libro, may mga kaibigan daw siyang hindi na lang siya kinausap.


“It was hard at first. I had friends in showbiz. I don’t know kung umiiwas, pero 'di na ako kinakausap during the first release. I think they felt that my intention was not good. Na-misinterpret at first, they didn’t understand what I was feeling.


"But you can only do so much, mahirap ding mag-explain ka nang mag-explain. It’s hard because people will really judge you right away. But I let it because I know deep in my heart that it was with good intentions. And that’s the best thing with doing something with pure intentions and love because you’re not guilty at all, you’re confident and secure about yourself,” sagot ni Mark.


Nabanggit ni Mark na after his coming out, nahirapan siyang maghanap ng project. Thankful ito sa GMA Network na binibigyan pa rin siya ng project gaya ng All-Out Sundays at gayundin sa mga sumusuporta pa rin sa kanya.


May advice si Mark sa mga kabataan na pine-pressure to come out at sabi nito, “Don’t feel pressured. There’s only one person who will tell you that you’re ready and that’s you. This is not a competition. You will know when is the right time. May kani-kanyang ways of expressing ourselves. I have a different way of expressing yourself. You don’t need to feel pressured na kailangan ganito, kailangan you write a book or kailangan magpa-interview. You will feel it when you’re ready. If the amount of courage you have is right, you will feel it. When you’re comfortable with yourself already, I think that’s the right time.”

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 02, 2021



ree

Isang madamdaming post sa Instagram account ni Kris Aquino ang nagpaiyak sa kanyang mga followers at mga nagmamahal sa Aquino family.


Alam ni Kris na marami ang nagtataka kung bakit wala siyang post at sabi nito, “Now is still not the right time for me... Naghihintay pa ako ng ‘go signal’ from him. I know my brother will find a way to let ‘bunso’ know when it’s time for all of you to hear the story from me of our journey- simply because all of you are a very special part of our journey, one I believe is a continuing one.”


Pinasalamatan ni Kris ang lahat ng nagparamdam na hindi sila nag-iisa at may kasama silang magkakapatid sa pagkawala ni former President Noynoy.


Samantala, tanong ng mga fans ni Kris na excited na sanang muli siyang mapanood sa telebisyon sa August 8 sa Mega Flash Sale ng Shopee, matutuloy ba ang live telecast ng Wowowin: Tutok to Win?


In-announce na ni Willie Revillame na si Kris ang special co-host niya sa live show na gaganapin bago ang All-Out Sundays. Kaya lang, may inilabas na press release ang Film Development Council of the Philippines na suspended ang lahat ng film and AV Productions sa NCR mula sa Aug. 6-20 dahil sa ECQ upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.


Kasama sa mga ipagbabawal ay ang film, music at television production at lahat ng production activities sa NCR.


Apektado nito ang tapings ng mga shows na ang studio o location ay nasa ilalim ng ECQ. Iyong mga location na nasa ilalim ng GCQ at MCQ ay puwedeng magpatuloy basta susunod sa strict safety precautions at babawasan ang tao sa set.


Puwedeng matuloy pa rin ang guesting ni Kris sa Wowowin kung ite-tape na lang ang episode this week bago ang Aug. 6 and for airing on Aug. 8. Tapos naman na yata ang pag-aayos ng studio kung saan gagawin ang show.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page