top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 09, 2021


ree

Para sa mga nakapanood ng Wowowin: Tutok to Win kahapon, may ibig sabihin ang announcement ni Willie Revillame na: “Ito na po ang last ko sa Shopee, at meron pa kayong 9.9.”


Ang ibig daw bang sabihin ni Willie ay titigil na siya sa pagho-host ng kanyang show dahil ia-announce na ang pagtakbo bilang senador para sa 2022 elections?


Maaalalang nabanggit ni Willie na ngayong August niya ia-announce kung tatanggapin ang alok ni Presidente Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa ilalim ng administrasyon.


Napansin din ng mga viewers na itinuro ni Willie si Kris nang banggitin na may 9.9 Shopee pa. Tanong tuloy ng mga viewers, si Kris na nga ba ang papalit kay Willie na magho-host ng Wowowin habang hindi siya puwede?

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 08, 2021



ree

Nakabalik na ng bansa sina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa one month vacation sa States. Kaya lang, nasa quarantine pa ang couple sa Manila Marriot Hotel. Ten days ang quarantine nila at habang nasa hotel, nagwo-workout si Bea, para tunawin ang mga kinain nila ni Dominic sa bakasyon na napakarami.


Paglabas ni Bea, tamang-tama na lifted na ang ECQ, matutuloy na ang nabanggit nito na magge-guest siya nang live sa All-Out Sundays at kakanta siya. Isa rin siguro sa kanyang gagawin ay ang makipag-meeting sa GMA management para sa first project na gagawin niya sa GMA-7.


May mga nagre-request na pagsamahin sina Bea at Kris Aquino sa isang talk show. Posible kaya ito?


Si Jessica Soho mismo ang magpapatunay na puwede at kayang maging talk show host ni Bea dahil articulate.


Anyway, pahulaan kung sino kina John Lloyd Cruz at Alden Richards ang makakasama ni Bea sakaling gumawa siya ng teleserye sa GMA. Isinama na naminsi JLC dahil kinumpirma naman na ni Karen Davila na the actor is with GMA na sa interview niya rito sa kanyang podcast.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 07, 2021



ree

Mapapanood sa GMA-7 at 11 AM sa August 22 ang laban ni Senator Manny “Pacman”

Pacquiao laban kay American boxer Errol Spence, Jr..


Nakipag-partner ang GMA Network sa TAP Digital Media Ventures Corp. para mapanood sa Kapuso Network ang laban ng dalawa para sa International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC) welterweight titles.


For the radio listeners, mapapakinggan ang blow-by-blow coverage exclusively on the network’s flagship AM station na Super Radyo DZBB 594 and in all Super Radyo stations nationwide beginning 9 AM.


Importante ang laban na ito kay Manny lalo na sa political career niya dahil kapag nanalo, big boost ito sa pagtakbo niyang presidente sa 2022 elections.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page