top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 12, 2021


ree

Pulis ang role ni Jeric Gonzales sa brand-new episode ng Daig Kayo ng Lola Ko titled Captain Barbie. Isang buwan ang airing ng episode na magsisimula sa Sunday, August 15, sa direction ni Rico Gutierrez.


Sabi ni Jeric habang suot ang police uniform, ang feeling niya, pulis siya talaga at may authority. Ang sarap daw sa feeling na naka-police uniform, para siyang may power.


Laging excited si Jeric na mag-guest sa Daig Kayo ng Lola Ko dahil parating iba ang kanyang karakter at may bago. Kahit fantasy-drama ang series, may hatid na aral sa mga viewers and for all ages.


Lalong naging special ang guesting niya ngayon dahil si Barbie Forteza ang kanyang kasama. Hanga siya sa husay ng aktres na lahat ay kayang gawin.


Gusto ring gumawa ng action-drama ni Jeric at game rin siya sa biographical project at given the chance, gusto niyang gampanan si Dr. Jose Rizal. Ang dami pa raw aspeto sa buhay nito ang hindi pa naipapakita.


Samantala, nilinaw ni Jeric na wala silang relasyon ni Sheryl Cruz gaya ng nabanggit ng yaya ng aktres sa vlog ni Sheryl na sa mga nanliligaw sa aktres, boto siya kay Jeric dahil mabait.


“Walang ligawang nangyari. I never courted Ms. Sheryl Cruz, friends kami and co-actors sa Magkaagaw. Walang ligawan, walang ganu'ng nangyari. Single pa rin ako. Single and happy. At marami pa akong goals sa life, doon muna ang focus ko,” sabi ni Jeric na sana, hindi maging dahilan para mag-away sila ni Sheryl.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 11, 2021


ree

Kapag pala si Kris Aquino nga ang pumalit kay Willie Revillame sa pagho-host ng Wowowin: Tutok to Win habang hindi puwede si Wil sakaling matuloy sa pagtakbong senador sa 2022 elections, ang mom ni Kris na si former President Cory Aquino (SLN) ang matutuwa.


Sabi kasi ni Kris sa grupo ng isa niyang fan, kapag natuloy ang guesting niya sa Wowowin (na natuloy na nga), “It’s for my mom who I know would be so happy (because that’s actually where it all started for me & she was always so grateful sa network for the opportunities they gave me).”


Ang GMA-7 ang tinukoy ni Kris na network kung saan siya nagsimula at nagbigay sa kanya ng opportunity to start a TV career. Matutuwa ang mom ni Kris kung babalik siya sa Kapuso Network.


Speaking of Kris, si Corrine Abalos ng Mandaluyong at anak ni MMDA Chair Benhur Abalos ang bet niya sa Miss Universe Philippines. Ipinost niya sa Instagram ang photo nito at sabi ni Kris, sakaling si Corrine ang manalo, hindi tayo mapapahiya sa ibang bansa.


Worthy candidate raw si Corrine na nag-aral sa Poveda at nag-graduate sa DLSU ng AB International Studies Major in European Studies.


Pakiusap ni Kris, give Corrine a chance and support her. Ang pretty niya, parang si Miriam Quiambao.


Maiintindihan naman siguro ni Kisses Delavin na mula sa mundo ng showbiz kung hindi man siya ang bet ni Kris.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 10, 2021


ree

Kabilang na si Arci Muñoz sa mga celebrities na bumisita kay Senator Manny Pacquiao sa training nito sa Los Angeles, California, USA para sa laban nila ni Errol Spence, Jr., sa August 21 sa Las Vegas, Nevada at mapapanood dito sa 'Pinas sa Aug. 22.


Ipinost ni Arci sa kanyang IG Stories ang pagbisita niya kay Pacquiao at ang pagpapapirma niya ng kanyang boxing gloves.


Caption ni Arci, “Don’t cha know how to thank you guys enough! Mr. Manny Pacquiao signing my worn out hayabuyas.”


Ilang araw pa bago ang laban nina Pacquiao at Spence. Marami pang Filipino at foreign celebrities ang tiyak na dadalaw kay Pacquiao. Abang-abang lang tayo ng mga bibisita sa kanya sa gym kung saan siya nagpapraktis.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page