top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 15, 2021



ree

Muling naispatan sa Siargao si Nadine Lustre at na-video-han sila ni Christophe Bariou sa isang restaurant. Sa video, tila may hinihintay si Christophe, tapos biglang dumating si Nadine.


Sabi ng nag-video sa dialect na Siargaonan, baka nagalit si Nadine na na-video-han siya at si Christophe.


Sabi ng mga netizens, mabait daw si Christophe dahil nang may lumapit na fan para magpa-picture, pumayag ito.


Biro naman ng mga fans nina Nadine at James Reid, mag-stayna lang sa Siargao si Nadine.

 
 

NANINDIGAN PARA SA KANYA.


ni Nitz Miralles - @Bida | August 14, 2021


ree

Ang cute ni Kris Aquino, inalam talaga sa flower shop kung ano ang shade ng pink bouquet of flowers na ipinadala sa kanya ni Mel Sarmiento to thank her sa kanyang birthday greetings. Nalaman ni Kris na pink modial ang shade ng nasabing beautiful flowers.


Samantala, reading the comments sa Instagram ni Kris, majority ay masaya para sa kanya dahil totoo namang she deserves to be happy. Kung may nega comments man, iilan lang at walang kawawaan ang mga comments, mga mema o may masabi lang ang drama nila.


Sa comment ng isang follower ni Kris na hindi pa alam na si Mel Sarmiento ang tinutukoy ng TV host, may sagot siya, “No need to guess, scroll down- he borrowed my phone to reply to this weird troll (maybe now you’ll understand, that at least now there’s someone with the guts to stand up for me... wala akong pinatatamaan, I’m just stating facts... because for the longest time that was what my friends & followers kept telling me - that I deserved someone na handa akong ipaglaban.) Maybe I’m just proof - everything happens in God’s perfect time, not our but His. All He asks is that we continue to have faith while we patiently wait.”

 
 

NAG-LBM 2 WEEKS AFTER MAGPABAKUNA.


ni Nitz Miralles - @Bida | August 13, 2021



ree

Umiiyak si Yasmien Kurdi nang ikuwento ang pagkakasakit niya habang nasa locked-in taping ng Las Hermanas at ang takot na baka Covid ang tumama sa kanya.


Kuwento ni Yasmien, sinipon siya at sobrang congested ang ilong niya. The next day, inubo naman siya at dry cough pa. Buong araw din siyang nag-LBM, super-duper diarrhea raw, mga sintomas ng Covid.


Nagdasal daw siya na sana, hindi Covid-19 ang tumama sa kanya, at inisip pa rin nito ang taping na baka matigil dahil sa kanya.


“Ayokong isiping Covid at baka magkahawahan kami sa set. They decided na magkaroon ako ng bed rest which is sobrang thankful ako sa Las Hermanas team,” sabi ni Yasmien.


Para makasiguro, nagpa-RT-PCR test si Yasmien at habang hinihintay ang resulta, muli siyang nagkasakit at kinailangang mag-nebulizer.


“Nagpa-consult ako sa doctor and then ang sabi sa akin is hindi raw siya nag-cause dahil sa asthma ko kung hindi dahil siguro naka-attract ako ng infection.”


Laking pasasalamat ni Yasmien na negative ang result ng swab test niya at nang gumaling, balik-taping uli siya.


Bakunado na si Yasmien at hindi rin siya naniniwala na dahil sa vaccine jab kaya siya nagkasakit dahil two weeks ago pa siya nagpabakuna.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page