top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 23, 2021



ree

Parang may contest sa mga fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque at Gerald Anderson at Julia Barretto kung sino ang mas sweet sa dalawang couples.


Nang maglabas ng pahayag si Gerald na “She’s the one” nang tanungin kung si Julia na ang kanyang pakakasalan, hirit ng mga fans, itinaon daw ito ni Gerald sa mga PDA photos nina Bea at Dominic.


Samantala, tuloy ang panliligaw ni Dominic kay Bea at noong isang araw, pinadalhan niya ng bouquet ng red roses ang aktres.


Ipinost nito ang photo ng bouquet with the caption: “Always making me smile.”


May post pa si Dominic na, “Thinking of you” at “I miss you” na sinagot ni Bea ng “Imy” o “I miss you.”


Pero, sabi naman ng mga fans nina Julia at Gerald, tinalo pa rin ng dalawa sina Bea at Dominic dahil nga marriage na ang tanong na sinasagot ng aktor.


“She’s the one. Gusto kong sagutin ‘yan talaga. Siguro, alam n’yo kung ano ang isasagot ko riyan. Dahil siguro she’s still very young, and ang dami pa niyang maio-offer sa industriya natin, and ang dami niya pang ipapakita sa inyo, sa audience natin, ‘yung talent niya - ayaw kong maging hadlang doon. If I had my way, of course. Kaso, hindi pa kami quota,” pahayag ni Gerald.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 22, 2021



ree

Magkakaroon na siguro ng proper closure sina Bea Alonzo at Gerald Anderson dahil nag-sorry na ang aktor sa kanyang ex-GF. Hindi nga lang personal ang pagso-sorry ni Gerald dahil nangyari ito sa interview sa kanya ni Boy Abunda para sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nila nina Yam Concepcion at JM de Guzman na Init sa Magdamag.


Sa isang parte ng interview ni Boy kay Gerald, tinanong nito ang aktor kung may gustong ayusin sa problema sa kanyang last relationship.


“Sana, kung puwede kong baguhin ‘yung nangyari. Kaso, ang hirap. It’s done. I’ve made mistakes. We both made mistakes,” sagot ni Gerald.


Sunod na tanong ni Boy ay kung may posibilidad bang mag-reach out siya kay Bea at sa bagong boyfriend nitong si Dominic Roque.


“More siguro kay Bea. Huwag na po tayo siguro mandamay ng ibang tao,” na ang tinutukoy ay si Dominic. Wala nga namang kinalaman si Dominic sa nangyari sa kanila ni Bea.


“I really pray. I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nagho-hope lang ako,” sabi pa ni Gerald.


Wish din ito ng mga fans, lalo na ang mga fans noon nina Bea at Gerald. Kaya lang, baka mag-react si Bea sa binanggit ni Gerald na “We both made mistakes.”


Itatanong siguro ni Bea kung saan siya nagkamali noong sila pa. (Magso-sorry na lang kasi, 'di pa akuin nang buo para tapos na. Nandamay pa, eh. Hehe! — JDN)


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 21, 2021



ree

Spotted na naman sa Siargao si Nadine Lustre kasama ang rumored boyfriend na si Cristophe Bariou at lahat ng kilos ng dalawa, inaabangan.


Ang sabi, nag-surfing ang dalawa at walang ibang kasama, at dahil madalas sa Siargao, tan na tan na raw si Nadine.


Ang sweet ni Christophe kay Nadine dahil kinuha nito ang parang balabal na hawak ng aktres habang ito’y nagre-retouch para siguro hindi makalimutan. Nag-retouch si Nadine dahil may nagpa-picture sa kanila ni Christophe na kanilang pinagbigyan, pero sabi raw ni Christophe, “Let her finish first” dahil nag-retouch nga.


Nag-volunteer pa raw si Christophe na siya ang kumuha ng larawan ni Nadine at ng mga nagpa-picture na fans.


Masaya ang mga fans ni Nadine para sa kanya, kung totoo mang sila na ng French guy. Wala nang nagbabanggit kay James Reid.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page