top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | September 03, 2021


ree

Congratulations kay Julia Montes dahil qualified na siya sa pagiging Dean’s Lister sa Southville International and Colleges. Nakasulat sa Certificate of Recognition na dahil sa mataas na grades, qualified siya to be in the Dean’s List for the second semester of Academic Year 2020-2021.


ree

Sabi ni Julia, “Thank you Southville. Gusto ko lang po magpasalamat kay GOD sa lahat ng blessings na ibinibigay Niya sa 'kin na nakakapag-aral po 'ko habang nagtatrabaho... thank you sa family ko, sa mga professors ko at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa 'kin dahil kayo po ang inspiration ko para matupad lahat ng dreams ko. Thank you, God.”


Kabilang sa mga nag-congratulate kay Julia sina Angel Locsin at Maxene Magalona.


Hinanap namin sa comment box ng Instagram ni Julia ang pangalan ni Coco Martin na nag-congratulate sa kanya, pero hindi pa namin nakita ang name ng aktor.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 02, 2021


ree

Kabilang sina Ai Ai delas Alas at Kiray sa mga nakasama ni Mahal sa Owe My Love, last series na ginawa nito sa GMA-7, at naging close at barkada pa nga ang tatlo. Sila ang madalas magkakasama sa TikTok ng cast, kaya ganu’n na lang ang lungkot ng dalawa.


Inalala ni Ai Ai si Mahal sa kanyang post sa Instagram at ang sabi, “Ma-miss ka namin Mahal (Noemi). Kanina hindi pa nag-sink in sa 'kin na wala ka na, pero nu'ng pinanood ko 'to, ayan, naiyak na 'ko... kanina, tulala ako na parang fake news ang dating sa 'kin... Rest in peace, Mahal... nawalan ako ng isang barkada sa industriya (kami ang dabarkads — ako, Mahal, Kiray, Jason, Johnvic and Joaquin).”


Nag-post din si Kiray ng video ni Mahal, merong magkasama sila, merong kasama ang ibang cast at merong nagsasayaw si Kiray sa harap ni Ruby Rodriguez.


“Sa liit na panahon na nakasama kita, ganu'n naman kalaki ang naibigay mong saya sa puso ko. Ayokong isipin... ayokong tanggapin... ayokong maniwala Ate Noemi, mahal na mahal kita. Sana, hindi totoo ito.”


Sabi naman ni Winwyn Marquez, parang naging ate na niya si Mahal at lagi siyang kinukumusta, sinasamahan at inaalagaan.


“Napakabuti mong tao Ate Mahal. Sabi mo, magkikita at mamamasyal pa tayo... salamat sa ngiti na ibinigay mo sa amin, lalo na sa akin, salamat sa mga usapang life and love... I really want to hug you right now. I love you so much.”


Hindi makapaniwala ang karamihan sa atin na wala na si Mahal, lalo na at kapapanood lang sa kanya sa Kapuso Mo, Jessica Soho nang bisitahin nito sa Bicol ang kaibigang si Mura.


Naaalala ng mga nakapanood na nang ibigay ni Mahal kay Mura ang P5,000, sabi nito, “At least, kahit wala na ako, natulungan kita.”

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 30, 2021



ree

Ika-29th birthday ni Max Collins noong August 28 at hinanap ng kanyang mga followers ang birthday greetings sa kanya ng asawang si Pancho Magno dahil ilang buwan na ang nakararaan ay kumalat na hiwalay na sila. At nang hindi makita ang pangalan nito sa mga bumati kay Max sa social media, na-disappoint sila.


Comment ng isang netizen, “Ba’t si lodi Pancho Magno, walang greet?"


Hinanap din nila ang pangalan ni Pancho sa mga nag-like sa post ni Max na sinabing, “29 and feelin’ fine,” pero hindi rin nila nabasa ang pangalan nito.


In fairness kay Pancho, binati na si Max sa kaarawan nito sa IG Stories ng aktres, kaya hindi nabasa ng karamihan.


Gamit ang larawan ni Max at kalong ang anak nilang si Sky na nasa inflatable swimming pool, binati ni Pancho si Max ng “Happy Birthday Momma” at sinundan ng three red heart emojis. Saka, sigurado namang binati ni Pancho nang personal ang asawa.


Speaking of Max, sunud-sunod ang pagpo-post niya ng bikini at sexy photos sa Instagram. Hindi lang namin alam kung promo ito para sa September 27, 2021 premiere ng To Have and To Hold o feel lang niyang mag-post ng mga nasabing larawan na lumabas ang kanyang kaseksihan.


Controversial ang tema ng To Have and To Hold at maging ang role ni Max na gaganap na asawa ng karakter ni Rocco Nacino. Hanggang dito na muna ang tsika sa role ni Max sa nasabing teleserye sa direction ni Don Michael Perez.


Isa rin sa mga bida sa teleserye si Carla Abellana at kasama sina Luis Hontiveros, Athena Madrid at Valeen Montenegro. Special guest si Rafael Rosell sa isang controversial role.


Ito palang si Rafael, nang i-post ang teaser ng To Have and To Hold sa kanyang IG, inakalang ikakasal na sila ng kanyang GF dahil may ipinakitang wedding rings. Ang daming nag-congratulate only to find out na teaser ‘yun ng bagong teleserye ng GMA-7 na kasama sa cast si Rafael bilang si Tony Gatchalian.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page