top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | September 06, 2021



ree

Maganda ang vlog interview ni Karen Davila sa mag-asawang Sorsogon Gov. Chiz Escudero at Heart Evangelista on “Marriage Adulting.” Isa sa mga naitanong ni Karen kay Chiz ay kung papayagan niya si Heart na makatrabaho muli ang ex-BF nitong si JerichoRosales?


Tinanong muna ni Chiz si Heart kung napag-usapan nila ang tungkol dito at sinagot ni Heart na maraming beses na nilang pinag-usapan.


“It’s up to her. If it will help her. If it will make her grow. Hindi ako selosong tao,” sagot ni Chiz, kaya si Heart na ang magde-decide kung may offer sa kanya na project kasama si Jericho.


Si Heart naman ay kampante na hindi magtsi-cheat si Chiz sa kanya at hindi rin pinagseselosan ang mga babaeng nagpapakita ng interes sa asawa.


“He makes me feel secure. But when you talk to him and you get to know this guy, you’ll be surprised na pinipilahan siya ng maraming babae. He’s really such a good guy. Conversation is so good and it’s so sexy. And his appeal is on another level.”


Speaking of Heart, tapos na yata ang 10 days quarantine niya, kaya puwede nang i-schedule ng GMA-7 ang second leg ng locked-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon.

Marami na ang naghihintay sa teleseryeng ito dahil bukod sa interesting ang story, gustong makita ang OOTD ni Heart, gustong mapanood si Richard Yap sa first project nito sa GMA at gusto ring makita si Paolo Contis after the controversy nila ni LJ Reyes.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 05, 2021



ree

In fairness kay Nadine Lustre, kahit walang ganap ang kanyang career dahil kakausapin pa lang siya ng Viva Films for a movie project at gusto siyang igawa ng pelikula ni Director Yam Laranas, in the news pa rin siya. Bumili lang ng Mang Tomas All-Around Sarsa, nabalita na, headline pa at napa-trending niya ang sarsa.


Bukod doon, ang daming meme na kumalat na bumibili rin sa sari-sari store at pati mga lalaki, gumawa rin ng meme. Ang latest, kumakalat online ang fan art version na bumibili si Nadine ng Mang Tomas All-Around Sarsa.


Ang ganda ng gawa ni Jether Gregorgeous na may hawak na bote ng Mang Tomas at Lechong Manok si Nadine. Ang gawa naman ni Thom Draws, ginaya ang visual ni Nadine na bumibili ng all-around sarsa.


Mukhang magtatagal sa Siargao si Nadine dahil nagpaturo ng surfing at kumuha pa siya ng instructor sa surfing. Nag-i-enjoy siya sa simpleng buhay sa Siargao dahil nakakapaglakad nang naka-paa lang, nakakabili ng tinapay sa local bakery, nakakadalo sa salu-salo at napagbibigyan ang imbitasyon ng mga taga-isla, of course, kasama niya lagi ang rumored BF na si Christophe Bariou.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 04, 2021


ree

Nakakaaliw ang Jojowain o Totropahin Challenge ng Las Hermanas cast na sina Yasmien Kurdi, Faith da Silva at Thea Tolentino na nasa vlog ni Yasmien.


Pangalan ni Atom Araullo ang unang nabunot ni Yasmien at para sa kanila ni Thea, ‘jojowain’ nila si Atom dahil pogi raw ito. Parang walang sagot dito si Faith. Napanood yata ni Atom ang vlog ni Yasmien at nag-post ng laughing emoji.


Pare-parehong “jojowain” naman ang sagot ng Las Hermanas girls nang mabunot ni Thea ang pangalan ni Albert Martinez na kasama nila sa Afternoon Prime ng GMA-7.


Sabi ni Faith, “jojowain” niya si Albert, “Kasi okay siyang kausap.”


Sayang at hindi biniro nina Thea at Yasmien si Faith dahil nali-link ito kay Albert at ang sabi pa nga, hindi lang sila nali-link, silang dalawa na raw.


“Jojowain” din si Albert ni Yasmien dahil sa edad ng aktor, well-maintained daw sa kapogian, at sabi naman ni Thea, palabiro ang aktor.


Nabunot ni Yasmien ang name ni Dingdong Dantes at “jojowain” siya para sa aktres. “Ang ayos niya as a person, and he likes working out. ‘Pag nakikita ko siya, iba ‘yung mata niya, eh. Iba ‘yung titig niya.”


Crush pala ni Faith si Derek Ramsay at siya ang nakabunot ng pangalan ng aktor, kaya “jojowain” niya ito.


“Totropahin” at “jojowain” naman ni Yasmien si Gabby Concepcion at “totropahin” nina Faith at Thea sina John Lloyd Cruz, Tom Rodriguez at Alden Richards. Si JLC, parang masaya raw kaibigan at si Tom ay very nice at parang kuya.


Anyway, ipino-promote na this September na ang pilot ng Las Hermanas, pero sabi ni Yasmien, naurong sa October ang airing ng kanilang soap. Tingnan natin kung sino ang tama sa GMA at kay Yasmien.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page