top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | September 10, 2021



ree

May mga fans ng ilang Kapuso stars ang nag-react sa teaser ng guesting ni Bea Alonzo sa The Boobay and Tekla Show sa Sunday. Natanong si Bea kung sino’ng mga Kapuso stars ang gusto niyang makatrabaho. Binanggit nito sina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Alden Richards na ipinag-react ng mga fans.


Halos lahat daw ng Kapuso stars, gustong makatrabaho si Bea, tapos tatlo lang ang pinangalanan ng aktres. Nakaka-offend daw doon sa mga Kapuso stars na nagpahayag nga na gusto siyang makasama, tapos tatlo lang ang binanggit nito.


Pinayapa ng ibang fans ang mga nagtampong fans, baka raw putol lang ang teaser at ‘yun lang ang lumabas. Panoorin na lang daw ang show para malaman kung talagang tatlo lang sa mga Kapuso stars ang gustong makatrabaho ni Bea.


Saka, pagpasensiyahan daw si Bea dahil bago lang siya sa GMA Network at hindi maalala ang iba pang Kapuso stars. Sa kanyang mediacon, marami siyang nabanggit na Kapuso stars na gustong makasama.


Anyway, sasalang si Bea sa “no holds barred interview” sa May Pa-Presscon at sasagutin ang ilan sa pinakamahihirap na questions sa kanyang heartbreak, relationship status at career plans sa Kapuso Network.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 09, 2021



ree

“It Girl” na rin ang tawag kay Gabbi Garcia dahil sa mga ad campaign na ginagawa local man o international brand. Ang pinaka-latest ay ang #LVOnTheGo campaign ng Louis Vuitton. Isa raw ang Kapuso actress sa mga Philippine endorsers ng campaign na sa lumabas na releases, On the go Bag ng LV ang hawak ni Gabbi at ang suot nito, from head to toe ay LV.


Sumusunod daw si Gabbi kay Heart sa pagiging “It Girl” at pagiging in demand sa pagiging endorser.


Hintayin n’yo at open pa si Gabbi na sumali sa beauty pageant. Naghihintay lang daw siya ng right timing at sasali na sa beauty pageant. Wish ng mga netizens, hindi sila magsabay ni Klea Pineda na sumali sa beauty pageant dahil pareho silang Kapuso.


Samantala, ang episode ni Gabbi at ng BF na si Khalil Ramos na One Million Comments, Magjo-Jowa Na Ako ang pangatlong ipapalabas sa Regal Studio Presents. Sa September 26, ang airing ng episode sa original time slot na nito na 4:35 PM every Sunday. Kasama nila si Manolo Pedrosa sa direction ni Easy Ferrer.


First series ito nina Gabbi at Khalil na ipapalabas at “super smooth” daw ang taping nila.

“We’re co-actors here, we rehearse before the take and we try to separate our personal relationship from work,” sabi ni Gabbi.


Nag-agree rito si Khalil at sinabing, “Gabbi and I don’t forget that we are actors. We don’t get our relationship get in the way of work.”

 
 

PATATAWANIN, BUBUSUGIN AT MAMAHALIN.


ni Nitz Miralles - @Bida | September 08, 2021



ree

May pa-birthday message si Angelica Panganiban sa boyfriend niyang si Gregg

Homan.


“Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit itinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nagbigay-kasagutan sa lahat ng bakit ko noon.


"Maligayang bati sa ‘yong kaarawan, Mahal ko. Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page