top of page
Search

MAY STANDING OVATION PA.


ni Nitz Miralles - @Bida | September 13, 2021



ree

Nabasa namin ang caption ni FDCP Chair Liza Diño sa photo nila ni Dennis Trillo sa 78th Venice International Film Festival, “So proud of @dennistrillo for his outstanding performance in Direk @erikmatti’s OTJ: The Missing 8 that just had its world premiere at @labiennale. You can relax now, Den. Galing-galing.”


Sa ipinost na video ng award-winning journalist na si Ruben Nepales after the official premiere ng On The Job: The Missing 8, malakas na palakpakan ang maririnig at mga salitang “Bravo.” At sabi nito, “Watch: A standing ovation, lasting around five minutes. Loud cheers and applause for director @erikmatti, actor @dennistrillo, producers @dondonmonteverde and @quarkhenares, who attended the premiere. Bravo and mabuhay.”


Nabanggit naman ni Quark Henares na isa sa mga producers ng movie ang “5 minute standing ovation, mas mahaba pa kay KStew!” na ang tinutukoy ay si Kristen Stewart na may movie rin sa film festival.


Goosebumps ang mararamdaman na marinig ang kanta ng Asin na Balita na pinatugtog after ng official premiere ng On The Job: The Missing 8. Sayang talaga na hindi mapapanood sa big screen ang movie dahil sa pandemic. Pero, magkakaroon ito ng Asia-wide release as part of a 6-episode series na nagsimula kahapon as an HBO Asia Original series sa HBO GO.


Anyway, ininggit ni Dennis ang mga fans ng South Korean director na si Bong Joo-ho dahil may picture siya with the award-winning director ng Parasite. ‘Kaaliw din ang caption ni Dennis sa photo nila together na “Labyu Tito Bong! Thank you for signing my book. #BongJoonHo #parasite habang hawak ang libro na pinirmahan.


Speaking of Dennis, “Ismael” look ang aktor sa pagdalo sa 78th Venice International Film Festival. Ang tinutukoy namin ay ang karakter niya sa Legal Wives na may bigote at balbas, iba sa hitsura niya sa OTJ bilang si Roman, detainee, hired killer at deformed ang nose.


Anyway, exciting ang mga susunod na episode ng Legal Wives dahil ikakasal si Ismael kay Farrah (Bianca Umali), his third wife in the series. Sino kaya kina Amirah (Alice Dixson) at Diane (Andrea Torres) ang magwawala?

 
 

DAHIL KINA PAOLO AT YEN.


ni Nitz Miralles - @Bida | September 12, 2021



ree

Kung ang mga netizens ang masusunod, karamihan sa kanila, ayaw nang magkabalikan pa sina LJ Reyes at Paolo Contis. May nag-comment kasi na sana, magkabalikan pa

ang dalawa, pero ayaw ng mga netizens.

Para sa kanila, kawawa lang si LJ at mga anak nito kung makikipagbalikan pa kay Paolo dahil uulitin lang nito ang ginawa.


May nag-comment pa na “No way please. LJ deserves the right person.”


At ang mas violent reaction ay “U prefer to see @lj_reyes hurt for the nth time? Utang na loob, ‘wag na… Aanhin mo ‘yung funny guy kung gagaguhin ka rin naman?” at may isang netizen na kinowt ang sinabi ni Heart Evangelista na “‘Wag mong hayaang tumanda ka du’n sa sitwasyon na ‘yun.”


Nakita pala naming may video pa si Paolo sa Instagram ni LJ, hindi ma-delete ng aktres dahil kasama ang anak na si Summer. Baka nga naman magtanong ang bata kung bakit nawala ang video nila ng papa niya sa IG ni LJ. Hindi raw kagaya ni Paolo si LJ na binura ang photos niya kahit kasama si Summer sa IG nito at damay pati si Aki.


Samantala, aliw ang naglabasang meme dahil sa isyu nina Paolo at Yen Santos. Bida ang Baguio City sa mga memes at sa isa nga, ang nakasulat, “Baguio The Friendship Capital of the Philippines” habang ‘yung isa pa ay, “Tara! Samahan Mo Ako sa Baguio as a Friend.”


Naging favorite expression din ang “as a friend.”

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 11, 2021


ree

Naka-off ang comment box ng Instagram ng ex-BF ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion para siguro makaiwas sa mga netizens na sumugod sa IG niya after mapanood ang virtual audition video niya para sa Pinoy Big Brother.


Dismayado ang mga netizens sa pa-shade ni Neil kay Rabiya sa speech niyang maganda

na sana ang simula, kundi lang hinaluan ng “Nakakalungkot man mag-isolate nang ilang buwan, mas nakakalungkot palang maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona.”


Hindi nagustuhan ng mga netizens ang sinabing ito ni Neil, ayun, na-bash siya. Gusto raw pala niyang mag-showbiz, sana hindi na lang niya idinamay si Rabiya.


May nag-comment pang pareho palang gustong mag-showbiz ng ex-couple, at least si Rabiya, hindi siya pinaringgan.


Hindi yata nakaya ni Neil ang bashing, kaya in-off ang comment box ng IG. In fairness kay Rabiya, wala pa siyang sagot sa pa-shade ni Neil sa kanya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page