top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | September 24, 2021


ree

Hindi na nga yata nakayanan ni Yen Santos ang sunud-sunod na bashing na natanggap niya dahil sa pagkakaugnay kay Paolo Contis, kaya dinelete nito ang lahat ng kanyang post at photos sa kanyang Instagram account.


Kung bibisitahin ang IG ni Yen, blangko na ang lahat, as in, wala siyang itinira.


Pati ‘yung post bago pa ang isyu sa kanila ni Paolo Contis, binura rin nito at ang naiwan ay fan page account na lang na hindi rin updated. Pareho na sina Yen at Kiko Estrada na blangko ang IG feed at kung kailan sila babalik, hintayin natin.


Naalala namin ang nasulat na sobrang apektado si Yen sa isyu dahil ang sasama ng comments sa kanya at kung anu-ano ang itinatawag sa kanya ng mga netizens. Kesa nga naman ma-stress, i-delete na lang niya ang buo niyang IG account.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 23, 2021



ree

Ang daming natuwa na pumayat na si Angel Locsin. Ang daming likes at comments ng ipinost niyang larawan na pumayat na siya at dahil pumayat, parang nagbago ang kanyang hitsura.

Isa sa mga nag-comment sa new photo ni Angel ay si Marian Rivera na kahit “Yaay” lang ang sinabi, pinasalamatan pa rin ng mga fans ni Angel.


Nag-comment din si Bea Alonzo ng “YASSS,” pero sabi ni Angel, “Anggulo lang ‘yan, Mars.”


At sa comment ni Angelica Panganiban na “Hayerp mars,” ang sagot ni Angel ay “‘Yung damit ni @annecurtissmith ‘yung nakadaya, Mars! May majika ‘yung @our.recess.”


Ikinatuwa naman ng mga fans ni Angel ang comment ng husband niyang si Neil Arce na “On my way.”

 
 

MGA BADING AT TIBO SA PAGKA-PANGULO.


ni Nitz Miralles - @Bida | September 22, 2021



ree

Kapag nagsimula na ang kampanya ni Senator Manny Pacquiao na tatakbong presidente ng bansa, kailangan sigurong extra effort ang gawin niyang pangungumbinse sa LGBT community na iboto siya dahil hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtatampo o nagagalit sa kanya dahil sa naging pahayag niya dati tungkol sa mga bading at tibo.


Kahit noong 2016 pa ang statement ni Manny na “worse than animals” ang gay people at kahit nag-sorry na siya, hindi pa rin nakalimutan ang pahayag niyang ‘yun.


Kahit nagpaliwanag siya sa Toni Talks vlog ni Toni Gonzaga na na-edit masyado ang statement niya at mahaba raw ‘yun, hindi pa rin daw siya iboboto ng members ng LGBT.


Si Director Manny Castañeda nga, noong araw na in-announce ni Manny na tatakbo siyang presidente, agad nag-post sa Facebook ng “I will not vote for a bigot like Manny Pacquiao.”


Sa comment ng mga followers ni Direk Manny, kahit hindi LGBT, nagpahayag din na hindi iboboto si Manny.


May tweet din si John Lapus na “Mga bakla! ‘Wag kalimutan, sinabihan tayo n’yan ng ‘Masahol pa sa hayop.’”


Parang hindi na kailangan ni John na ipaalala sa LGBT community ang pahayag na ‘yun ni Manny at isa ‘yun sa mga rason kung bakit hindi nila ito iboboto.


Kaya kailangang double effort si Manny at ang kanyang team to convince the community lalo at pagka-presidente ang tatakbuhan niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page