top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | September 28, 2021



ree

Natupad na rin ang wish ni Bea Alonzo na makapag-guest sa Bubble Gang dahil kahapon, nag-taping na siya. Kasabay pa niyang nag-guest si Herlene Budol na nakilala sa Wowowin bilang si Hipon Girl.


Sabi ni Herlene, pasasampal siya kapag si Bea ang sasampal sa kanya.


Wala pang nabanggit kung kailan ang airing ng guesting ni Bea sa Bubble Gang na sumunod sa guesting niya sa The Boobay and Tekla Show. Inaabangan na rin siya sa Eat… Bulaga! at hinihintay na siya nina Camille Prats at Iya Villania sa Mars Pa More.


Inaabangan din ng mga fans ni Bea ang pagsisimula ng shooting nila ni Alden Richards ng movie


nila at ang gagawing teleserye sa GMA-7 na sorprea pa ang makakasama niya. Pati project, sorpresa rin.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 27, 2021



ree

Babalikan ni Noli de Castro ang pulitika dahil tatakbo raw itong senador sa 2022 elections. Kinumpirma ito ni Dr. Cesar Chavez, ang chief of staff ni Manila City Mayor Isko Moreno.


Dahil Aksyon Demokratiko ang political party ni Mayor Isko, ito rin ang magiging political party ni Noli.


Ang balita pa, may blessing ng management ng ABS-CBN ang pagtakbong senador ni Noli na unang nahalal na senador noong 2001 at nahalal na vice-president noong 2004.


May mga nabasa lang kaming reaction na galamay din ni President Rodrigo Duterte si Noli, siguro dahil may anak siyang nagtatrabaho sa gobyerno.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 26, 2021



ree

Hinahanap si former Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil walang balita sa kanya lalo na tungkol sa pulitika. May mga nagtatanong kung tatakbo ba siya sa 2022 elections at kung ano’ng posisyon.


Naalala namin sa mediacon ng Puto, ang comedy show ni Herbert sa TV5, ang sagot nito nang tanungin for his political plans sa 2022 ay hintayin na lang ang kanyang announcement at kapag nag-file siya ng candidacy.


Wala pang ina-announce si Herbert at sa October pa ang filing ng candidacy, pero may lumutang na balitang tatakbo siyang senador sa party nina Senators Ping Lacson at Tito Sotto na presidential at vice-presidential candidate respectively.


Wala pang final list ang senatorial line-up nina Lacson at Sotto at baka nga kasama na si Herbert sa kanilang senatoriables. Pero, hintayin pa rin natin ang announcement ni Herbert.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page