top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | October 04, 2021



ree

Pati si Marian Rivera, kinilig sa Instagram post ni Bea Alonzo ng TVC nito para sa LazMall o Lazada Mall dahil naka-segue sa TVC ng Korean actor na si Hyun Bin na brand ambassador din ng LazMall.


Ipinost ni Bea ang TVC nila ni Hyun Bin at may caption na “I am so kilig to be in one frame with Captain Ri! #fangirling Thanks @lazadaph for this opportunity.”


Isa sa mga nag-comment ng “Awww” si Marian at ang sagot ni Bea ay heart emojis.


Nabanggit kasi ni Marian sa isang interview na dream niyang makatrabaho si Hyun Bin. Nauna nga lang si Bea kahit pinag-segue lang ang TVC nilang dalawa.


Kinongratyuleyt din si Bea nina Angel Locsin, Isabelle Daza, Anne Curtis, Gretchen Ho, Kakai Bautista at boyfriend niyang si Dominic Roque.


Samantala, nag-trending ang guesting ni Bea sa All-Out Sundays kahapon. Kumanta si Bea at may Q&A at sa tanong ni Ai Ai delas Alas kung sino ang nagbibigay-kulay sa buhay niya, sagot ni Bea ay si Dominic Roque.


Lalo pang kinilig ang mga fans nina Bea at Dominic sa inamin ng aktor na gusto na niyang magka-baby sila ni Bea. Ibig sabihin nito, kung si Dominic lang ang masusunod, gusto na nitong magpakasal sila ni Bea para magka-baby na sila. Kaya lang, may kontrata pa sa GMA Network si Bea, paano ba ‘yan, Dominic?

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | October 03, 2021



ree

Pagka-senador at hindi pagka-vice-president ang tatakbuhan ni Raffy Tulfo at nag-file na siya ng candidacy kahapon.


Tatakbo raw na independent candidate si Raffy, hindi nito tinanggap ang offer ni Sen. Ping Lacson na sa party nila ni Senator Tito Sotto tumakbo.


Si Willie Revillame naman, may ia-announce raw sa October 7. Abangan kung ano ang ia-announce nito, kung tatakbo ba siya sa pagka-senador o hindi.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 29, 2021



ree

Magiging Kapuso na ba si Maja Salvador?


Ito ang tanong ng Kapuso viewers dahil sa balitang si Maja ang makakasama ni Sen. Bong Revilla sa Book 2 ng Agimat ng Agila. Siya ang tinukoy ni Bong na bago niyang makakasama, pero nasa cast pa rin si Sanya Lopez.


Papasok din daw sa Eat… Bulaga! si Maja bilang co-host at ang sabi, mas una siyang mapapanood sa EB! dahil sa October pa ang simula ng locked-in taping ng Agimat ng Agila. Kaya malamang, sa November pa ang airing ng Book 2 ng weekly series.


Magho-host daw ng isang dance segment ng EB! si Maja. Kaya lang, ang EB! ay produced ng TAPE Inc., at blocktimer sa GMA-7 at ang Agimat ng Agila naman ay co-produced ni Sen. Bong Revilla. So, hindi pa rin maituturing na certified Kapuso si Maja. Pero, tingnan natin!


Maaalalang matagal nang nababalita na lilipat si Maja sa GMA-7. Nauna pa nga siyang nabalitang magiging Kapuso kesa kay Bea Alonzo, pero hanggang balita lang ‘yun dahil sa TV5 siya gumawa ng teleserye.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page