top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 17, 2021



Dumating na sa bansa ngayong Sabado ang 1.5 million doses pa ng Sinovac COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan sa China.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kaninang alas-8:01 nang umaga ang Cebu Pacific Flight 5J671 na may sakay ng naturang bakuna.


Si Director Ariel Valencia ng Procurement and Supply Chain Management Team of the Department of Health ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac vaccines.


Samantala, mula sa NAIA ay dadalhin sa Pharmaserv na cold storage sa Marikina City ang Sinovac vaccines.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 16, 2021



Mahigit isang milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong Biyernes.


Lumapag sa NAIA ang China Airlines Flight CI 701 na sakay ang 1.15 million doses ng AstraZeneca kaninang alas-10:09 nang umaga.


Ayon sa ulat, binili ng pampribadong sektor ang mga naturang bakuna bilang tulong sa vaccination program ng bansa.


Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, inaasahang may darating pang karagdagang 1.15 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa bansa sa Agosto.


Aniya pa, "A total of 2.75 million employees from close to 500 companies are expected to benefit from this — not to mention those who will benefit from the LGU procured doses.”


 
 

ni Lolet Abania | July 15, 2021


Mahigit sa 250,000 doses ng Moderna vaccine ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Huwebes.


Sakay ng Singapore Airlines Flight ang 250,800 doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna na lumapag sa NAIA Terminal 3, bandang ala-1:00 ng hapon.


Ang bakuna na kinuha ng gobyerno katuwang ang mga pribadong sektor ay pinangunahan ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).


Ito ang ikalawang batch ng Moderna vaccines na naideliber sa bansa. Ang unang shipment ay nasa 249,600 doses na dumating nitong huling linggo ng June.


Samantala, nakapag-administer sa ngayon ang pamahalaan ng kabuuang 14 milyon doses ng COVID-19 vaccine, kung saan 4 milyong indibidwal ang fully vaccinated na.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page