top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 21, 2021



Dumating na sa bansa ang 1.26 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa China ngayong Sabado.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Philippine Airlines Flight PR 361 na may lulang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines at 260,800 doses ng Sinopharm kaninang umaga.


Samantala, noong Biyernes matatandaang pumalo sa 17,231 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at pahayag ni Sec. Wilben Mayor, head ng Sub-Task Group on Current Operations ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, “Malaking tulong ito sa ating mga kababayan para sa pagsalba ng ating mga maysakit at lalung-lalo na ngayong mayroong Delta variant, tumataas ang kaso natin. Kahapon lalo tumaas, malaking tulong itong mga vaccines.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 19, 2021



Dumating na sa bansa ang 365,040 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan noong Miyerkules.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 313,560 doses ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang alas-8 nang gabi. Una namang dumating sa Cebu ang 51,480 doses ng Pfizer vaccines bandang alas-6 nang gabi.


Samantala, sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at United States Chargé d’Affaires John Law ang sumalubong sa pagdating ng naturang bakuna.


Saad pa ni Galvez, “‘Yung karamihan dito, ‘yung bibigyan natin are those areas na hindi pa nabibigyan ng Pfizer. We are trying to roll out to them so that in the future, once Pfizer picks up their deliveries, they are well aware and they are already well trained on how to handle the sensitivities of Pfizer.”

 
 

ni Lolet Abania | August 8, 2021



Anim na hinihinalang biktima ng human trafficking na patungo sa United Arab Emirates (UAE) ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa Bureau of Immigration (BI).


Ang mga pasahero na lahat ay babae ay napigil sa Immigration departure area matapos na madiskubre ng BI na ang mga UAE visas na nakapaloob sa kanilang passports ay pineke.


“During primary inspection, they claimed that they were balik-manggagawa, or overseas Filipino workers merely returning to their old employers. They alleged to have been directly hired as domestic household workers, but they were unable to show any proof of such claim,” batay sa inilabas na statement ng BI ngayong Linggo.


Ayon pa sa bureau, ang mga nahuling passengers ay dinala na sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa imbestigasyon habang sasampahan ng kaso ang kanilang mga recruiters.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page