top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 18, 2024

ree

Ihinirit ng National Food Authority (NFA) ang P16.3-bilyong pondo para sa pagbili ng palay sa 2025.


Saad ng NFA Acting Administrator na si Larry Lacson, ang pondo ay para makamit ang target na dami para sa national buffer stock at dagdag na budget para sa pag-upgrade ng storage capacity.


Kasalukuyang pinag-uusapan pa sa Kongreso kung ibabalik pa sa NFA ang kanilang pribilehiyong mag-angkat at magbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.


Iginiit naman ni Lacson na bukod sa pondo para sa pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka sa 'Pinas, kailangan ding magtayo ng karagdagang pasilidad sa pag-iimbak at pagsasaayos ng mga drying facilities sa bansa.


Magugunitang may P9-bilyong pondo ang inilaan sa NFA para sa pagbili sa mga palay sa taong ito.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 21, 2024



ree

Iniutos ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang mabilisang pagbubukas ng mga nakasara nang National Food Authority (NFA) warehouse, ayon sa ahensya ngayong Huwebes.


Ayon sa DA, 99 na mga bodega ng NFA ang nakasara pa rin matapos na suspindehin ng Ombudsman ang mahigit sa 100 opisyal at kawani ng NFA dahil sa umano'y pagbebenta ng mga buffer stock ng bigas sa pribadong mga mangangalakal.


“We will ensure that all padlocked warehouses will be opened soonest to optimize the impact of NFA’s procurement activities on rice farmers’ income as well as secure the maximum volume of palay for buffer stocking,” pahayag ni Laurel.


Itinalaga ng DA ang otoridad sa 99 mga bodega ng NFA sa mga assistants ng mga suspendidong operators.


Kamakailan lamang, binawi ng Ombudsman ang suspensyon ng 23 kawani ng NFA.

 
 

ni Mai Ancheta | June 29, 2023



ree

Tatagal pa hanggang Agosto ang murang bigas na ibinebenta sa mga Kadiwa outlet sa buong bansa.


Ito ang tiniyak ng supplier ng bigas sa Kadiwa outlets sa harap ng pangamba na baka hanggang katapusan na lamang ng Hunyo ang supply ng murang bigas.


Ayon sa Unigrow PH, kakayanin pa nilang magbenta ng murang bigas sa Kadiwa sa susunod na dalawang buwan.


Sinabi ni Jimmy Vistar na kaya pa nilang mag-supply ng P25 kada kilo ng bigas sa Kadiwa store sa Department of Agriculture Central Office sa susunod na buwan.


Batid aniya nila na marami ang nag-aabang para makabili ng murang bigas lalo na sa mga mahihirap na pamilya kaya ito ang tinutugunan nila sa ngayon.


Tiniyak ni Vistar na magpapatuloy silang magbebenta ng murang bigas hangga't mayroong supply na maibagsak sa Kadiwa store ng gobyerno.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page