top of page
Search

by Info @News | January 12, 2026



International Criminal Court - Duterte

Photo: File / International Criminal Court



Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na iapela ang desisyon ng korte na huwag ilabas ang lahat ng detalye ng pag-uusap nito at ng mga medical expert na sumuri kay FPRRD.


Sa hiling ng kampo ni FPRRD, iginiit nila na nagkamali ang ICC dahil hindi umano nito sinuri kung mahalaga ang hinihinging impormasyon sa paghahanda ng defense at kung may panganib ba ito sa imbestigasyon o sa mga testigo.


Ayon sa ICC, inuulit at pinalalawak lamang ng defense ang mga argumento na dati nang tinalakay at napagpasyahan ng korte.

 
 

by Info @News | January 12, 2026



Tito Sotto III at Panfilo Lacson

Photo: File / Senate PH



Sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang dahilan kung bakit mas napaaga ang pagbabalik ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Enero 19.


Ayon kay Sotto, nag-aalala umano sila ni Senate Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga usap-usapan na recantation o pagbawi sa mga naunang pahayag ng ilang sangkot sa anomalya.


Ang komite na ito ay isang ‘Motu priprio’ dahilan upang hindi na kailanganin ng mga resolusyon, privilege speech, o anumang panukalang batas para magsagawa ng pagdinig.

 
 

by Info @News | January 6, 2026



Rep. Tinio

Photo: File / ACT Teachers Partylist



Nanawagan si ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Department of Budget and Management (DBM) na ibigay na nang buo ang P20,000 na Service Recognition Incentive (SRI) ng mga guro at empleyado ng Department of Education (DepEd) sa kabila ng patingi-tingi umanong pagbabayad sa nasabing incentives.


“P20,000 po ito dapat pero by installment na binayaran ang mga teachers maximum ay P14,500 lamang po ang natatanggap pa nila kaya may utang po ang national government sa kanila,” ayon kay Tinio.


Dagdag pa niya, “Account payable po ito, so panawagan po natin sa DBM na pabilisin ang proseso ng pagbayad ng nalalabi para makumpleto ang amount na P20,000.”


Iginiit din niya na natanggap na ng ibang government employee ang kumpletong halaga ng incentives ngunit ang mga guro at empleyado ng DepEd ay naghihintay pa rin na makumpleto ang SRI.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page