top of page
Search

by Info @ News | December 6, 2025



Jeepney

Photo File: Jeepney



Hindi muna ipapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 hanggang P2 taas-pasahe sa mga traditional at modern jeepney.


Resulta ito ng big-time rollback sa presyo ng diesel noong nakaraang araw.


Ayon kay Transportation Sec. Giovanni Lopez, hindi napapanahon sa ngayon ang pagtaas sa pamasahe, “Malaki ang magiging epekto ng taas pasahe sa ekonomiya at sa pangkalahatan, lalo na’t bumabangon pa lang ang ilang probinsyang nasalanta mula sa matinding kalamidad tulad ng nakaraang lindol at bagyo.”


Bukod dito, pagtitibayin din ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB ang kampanya laban sa kolorum.


“Hahabulin at huhulihin natin ang mga sangkot sa ilegal na operasyong ito. Hindi titigil ang DOTr at LTFRB sa pagtugis sa inyo dahil kapakanan ng mga lehitimong PUV drivers, at maging mga commuter ang nakasalalay dito,” ani Lopez.

 
 

by Info @ News | December 5, 2025



Rep. Singson - Senate PH

Photo File: FB / Senate PH



Nabanggit ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro na sinubukan pang pakiusapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pamamagitan ni DPWH Sec. Vince Dizon, si outgoing Independent Commission for Infrastructure (ICI) Commissioner Babes Singson kung maaari pa itong manatili sa komisyon.


Gayunpaman, nirerespeto raw ng Pangulo ang pagbibitiw ni Singson dahil sa kalusugan nito.


Magiging epektibo ang resignation nito simula Disyembre 15.

 
 

by Info @ News | December 5, 2025



 Ka Leody De Guzman at VP Sara Duterte

Photo File: FB / Ka Leody De Guzman at VP Sara Duterte



‘BOPOL ANG BUNGA NG MGA DINASTIYA!’


Ito ang naging pahayag ni Labor Rights Leader Ka Leody De Guzman sa kanyang social media account laban kay Vice President Sara Duterte.


Aniya, maituturing umano na “Lebron James” ng korupsiyon si VP Sara, “Pwede na ihanay sa GOAT.”


Kinuwestiyon din ni De Guzman kung hindi man lang ba nakapagpasuweldo ang Bise ng accountant para lumusot umano sa Commission on Audit (COA) at maitago ang umano’y pagnanakaw nito.


“Tatlo lang yan: (1) Sobra sa pagkasugapa kaya ayaw nang may kahati? (2) Nasobrahan sa kumpyansa sa absolute power ng kanilang dinastiya? (3) O sadyang sobra lang talaga sa kabobohan,” aniya.


Para kay De Guzman, lahat ng ito ay si VP Sara, “Kaya Sara Duterte, all of the above. Swapang at mayabang na, bobo pa.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page