top of page
Search

by Info @ News | December 7, 2025



PBBM at militar - AFP

Photo: AFP / FB



Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na hindi dahil sa posibilidad na magkaroon ng kudeta laban sa gobyerno ang pagtaas ng sahod at allowance ng kanilang mga miyembro kasunod ng mga kumakalat na pahayag tungkol dito.


Ayon sa AFP, ang pagtataas ng allowance at sahod ng mga Military Uniformed Personnel (MUP) ay bilang tugon sa kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya sa bansa.


Idinagdag din nila na, “[This is to] reinforce a strong culture of discipline, competence, and dedication across the uniformed services.”

 
 

by Info @ News | December 7, 2025



 Jimmy Bondoc at VP Sara Duterte / FB

Photo: Jimmy Bondoc at VP Sara Duterte / FB



"FOR THEM TO REALIZE THE FINAL MARCOS MISTAKE"


Ibinulgar ng kaalyado ni Vice President Sara Duterte na si Jimmy Bondoc ang hindi umano nito pagsang-ayon sa mga panawagan na bumaba sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasabay ng kabi-kabilang kilos-protesta para rito.


“I think I’m authorized to say this, pero nu’ng mga nagkakaroon ng mga ‘BBM Resign’ na calls? She didn’t like it and contrary to popular opinion na gutom na gutom daw siya sa power no? ayaw niya,” ayon kay Bondoc.


Dagdag pa niya, “I’ll show you the messages, ayaw niya, sa kanya nga I mean sige, constitutional rights niyo mag-rally syempre no, pero for her sabi n’ya, ‘hayaan na lang natin matapos ‘yan’ para—this is her word— ‘for them to realize the final Marcos mistake’.”

 
 
  • BULGAR
  • Dec 6, 2025

by Info @ News | December 6, 2025



Alice Guo in jail

Photo: BJMP



Inilipat na si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at mga kapwa akusado sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 5.


Isasailalim muna sina Guo at Jaimelyn Santos Cruz, at Rachelle Joan Malonzo Carreon sa five-day quarantine bago ilipat sa regular na dormitoryo, kung saan sila mananatili ng 55 araw at sasailalim sa mandatory orientation, diagnostics, at qualification.


Matatandaang hinatulang guilty sa kasong qualified human trafficking sina Guo kaugnay sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Tarlac.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page