top of page
Search

ni Info @News | December 26, 2025



Circulated - Leila De Lima

Photo: File / Circulated - Leila De Lima / FB



‘THIS CAN VERY WELL BE THE END OF ICI.’


Ito ang iginiit ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Commissioner Rossana Fajardo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ngayong Biyernes, Disyembre 26.


“This can very well be the end of ICI. Dapat kasi meron nang [Independent Commission Against Infrastructure Corruption] by now,” ayon kay De Lima.


Idinagdag din niya na matagal nang kulang at mahina ang kapangyarihan ng ICI kaya’t nararapat lamang na maitatag ang naturang bagong komisyon na isinusulong sa Kamara.


 
 

ni Info @News | December 26, 2025



Cabral at Duterte - FB

Photo: File / Cabral at Sara Duterte / FB



‘MAG-IISIP NA SILA KUNG MAHUHULOG DIN BA SILA SA BANGIN’


Makakaapekto umano sa mental wellness ng mga undersecretary at assistant secretary sa mga opisina ng mga departamento ang pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Ma. Catalina Cabral, ayon kay Vice President Sara Duterte.


“Dahil ‘yung mga kaparte ng mga anomalya, mag-iisip na sila kung mahuhulog din ba sila sa bangin,” ani VP Sara.


Samantala, tumangging magkomento ang Bise kung may foul play sa pagkamatay ni Cabral, “Hindi ako maka-speculate kung ano ang nangyari doon sa Kennon Road dahil hindi ko naman nabasa kung ano ‘yung mga report.”


 
 

ni Info @News | December 26, 2025



VP Sara, tikom sa umano’y pagbisita kay Teves

Photo: File / Teves at Sara Duterte / FB



Hindi itinanggi o kinumpirma ni Vice President Sara Duterte kung totoong binisita niya si dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.


Kasunod ito ng pahayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na bumisita siya kay Teves.


“Ang sinasabi ko, wala akong iko-confirm or ide-deny. Kung gusto nilang sila ang magsalita, then magsalita sila,” ani VP Sara.


Kasabay nito, iginiit din ng Bise Presidente na hindi niya kilala si Ramil Madriaga.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page