top of page
Search

ni Info @News | December 26, 2025



Sara Duterte

Photo: File / Inday Sara Duterte / FB



‘FOR THREATS AND HARASSMENTS’


Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang posibilidad na muling magsampa ng impeachment complaint laban sa kanya.


Ayon kay VP Sara, pagod na ang taumbayan sa usaping ito dahil wala namang mailapag na ebidensyang magpapatunay dito.


“Nakikita naman natin na wala talagang ebidensya ‘yung kanilang mga reklamo. Totally for threats and harassment lang,” aniya.


 
 

ni Info @News | December 26, 2025



NPA - Circulated

Photo: File / Chel Diokno / FB



NAKALIPAS NA ANG PASKO, WALA PANG NAPAPANAGOT NA ‘BIG FISH’


Sinabi ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno na kulang ang kapangyarihan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaya’t nararapat lamang na i-certify bilang urgent ang House Bill 4453 o Independent Commission Against Infrastructure Corruption Bill para sa isang tunay na independent at makapangyarihang komisyon laban sa katiwalian.


Kasunod ito ng pagbibitiw sa puwesto ni Commissioner Rossana Fajardo at Rogelio ‘babes’ Singson sa ICI dahil tapos na ang mandato nito sa komisyon.


Dagdag pa niya, “Mahalagang tanungin kung ano ang naging resulta ng tatlong buwang trabaho ng Komisyon. Nakalipas na ang Pasko, ngunit wala pang napapanagot na ‘big fish’.”


 
 

ni Info @News | December 26, 2025



NPA - Circulated

Photo: File / Circulated / FB



Patuloy na nakaantabay ang Police Regional Office 13 (PRO-13) sa mga posibleng aktibidad ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army (CPP-NPA) sa ika-57 anibersaryo ng grupo ngayong araw, Disyembre 26.


Ayon kay PRO-13 Chief Public Information Officer P/Major Jennifer Ometer, nagpatupad sila ng ilang mga hakbang sa kabila ng pagiging kaunti na lamang ng mga mandirigma ng naturang grupo kasunod ng pagsuko ng ilan nitong mga miyembro at pagkamatay sa mga engkuwentro.


Dagdag pa niya, kahit maliit na lamang ang puwersa ng CPP-NPA ay hindi pa rin maaaring maging kampante upang masiguro na hindi na sila makapanggulo sa mga mamamayan sa kabundukan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page