top of page
Search

by Info @News | January 2, 2025



wet and dry market

Photo: File / DA



Lumabas sa datos ng isinagawang pananaliksik ng Pulse Asia noong Disyembre 12 hanggang 15 na nais ng mga Pilipino na pagtuunan ng gobyerno ang mga presyo ng bilihin, katiwalian, at trabaho para sa mga Pinoy.


Sa datos, nangunguna ang pagnanais ng mga Pilipino na tutukan ng gobyerno ang pagbaba ng mga presyo ng bilihin tulad ng pagkain na nasa 38% habang sinundan naman ito ng pagnanais ng mamamayan na bigyang-pansin ang katiwalian na nasa 31%.


Pumapangatlo naman ang pagkakaroon ng maraming trabaho at pagkakakitaan para sa mga Pilipino na nasa 21% at napabilang din sa listahan ang pagkakaroon ng access sa maayos na edukasyon at health services.


 
 

by Info @News | January 2, 2025



Robin Padilla / Senate of the Philippines

Photo: File / Robin Padilla / Senate of the Philippines



Sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng pagbabawal sa mga e-trike sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong Biyernes, Enero 2, 2026.


Inanunsyo ito ng LTO nitong Enero 1, Bagong Taon, o isang buwan matapos nitong ipahayag ang pagpapaliban sa pagpapatupad ng pagbabawal sa mga light electric vehicles (LEVs) noong Disyembre.


Kabilang sa mga daang pagbabawalan ang mga e-trikes ay ang EDSA, C-5 Road, Roxas Boulevard, at Quirino Ave to Magallanes - South Luzon Expressway (SLEX).


 
 

by Info @News | January 2, 2025



Robin Padilla / Senate of the Philippines

Photo: File / Robin Padilla / Senate of the Philippines


Isinusulong ni Senator Robin Padilla ang Senate Bill No. 20 o “Nursing Home for Senior Citizens Act” na layong magkaroon ng nursing homes sa bawat lungsod at probinsya sa bansa para sa mga matatanda.


“Layunin po natin na matiyak na may ligtas, maayos, at may malasakit na kalinga para sa kanila. Dahil ang pag-aaruga sa nakatatanda ay tanda ng isang makataong lipunan,” ani Padilla.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page