top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot
Search

ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 20, 2026


SCOOP OF DA DAY: Senior citizen, inabutang walang malay sa loob ng nakaparadang sasakyan

Isang senior citizen ang inabutang walang malay sa loob ng kanyang minamanehong Toyota Avanza kung saan nakaparada ito sa tapat ng isang mall sa National road Rizal Ave., Brgy. East Tapinac, Olongapo City, pasado alas-3 ng hapon ng Miyerkules. Agad namang naisugod ang biktima sa ospital at patuloy na inoobserbahan. Inatake umano ng heat stroke ang biktima dahil sa tindi ng init ng panahon. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Lalaking sinita sa checkpoint, sugatan matapos makipaghabulan


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 20, 2026



Lalaking sinita sa checkpoint, sugatan matapos makipaghabulan

Nakahiga pa sa kalsada ang lalaking ito at sugatan na umano’y lasing at sinasabing sumemplang matapos makipag habulan sa mga pulis sa pagmamaneho ng walang helmet nang sitahin sa checkpoint sa Brgy. Zabarte, Caloocan City madaling-araw ng Martes. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: APCU, tinalakay ang epekto ng Trump-Xi Summit sa Pilipinas at ASEAN, kaso ni Bato at impeachment ni VP Sara


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 19, 2026



APCU, tinalakay ang epekto ng Trump-Xi Summit sa Pilipinas at ASEAN, kaso ni Bato at impeachment ni VP Sara

Dumalo sina Atty. Raul Lambino, chairman ng Association for Philippines-China Understanding (APCU), at Noy Benedicto, pangulo ng APCU, sa “Pandesal Forum” sa Kamuning Bakery Cafe kung saan tinalakay nila ang pag-aanunsyo ng mga nagwagi sa 2026 APPCU Awards, ang epekto ng Trump-Xi Summit sa Pilipinas at ASEAN, at mga napapanahong usaping pampulitika kabilang ang impeachment ni VP Sara Duterte at ang kaso ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa. (Mars Santos)





NEWS SCOOP: 500 PDLs, nailipat na sa Iwahig Prison and Penal Farm


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 18, 2026



500 PDLs, nailipat na sa Iwahig Prison and Penal Farm

Nasa 500 PDLs ang nailipat na sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan, nitong Sabado, Mayo 16. (Gina Pleñago)





NEWS SCOOP: Isang mall dinagsa... Mga kabataan humabol sa pagpaparehistro para sa BSKE


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 17, 2026



Isang mall dinagsa... Mga kabataan humabol sa pagpaparehistro para sa BSKE

Dinagsa ng mga kabataan ang isang mall sa Caloocan City para humabol sa pagpaparehistro sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) bago pa ang itinakdang deadline ng Commission on Elections (Comelec) bukas, Mayo 18. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Airport worker tiklo sa umano'y ilegal na droga sa NAIA


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 16, 2026



SCOOP OF DA DAY: Airport worker tiklo, nang makitaan ng umano'y ilegal na droga sa NAIA

Ang airport worker na nakitaan ng security guard ng umano’y ilegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. (Gina Pleñago) 





NEWS SCOOP: Tama ng mga bala tumambad, matapos ang umano'y barilan sa pagitan ng NBI at OSAA


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 15, 2026



SCOOP OF DA DAY: Tama ng mga bala tumambad, matapos ang umano'y barilan sa pagitan ng NBI at OSAA

Tadtad ng mga tama ng bala ng baril ang salamin na ito na sinasabing bahagi ng emergency exit ng Senado patungong gusali ng GSIS matapos ang umano’y barilan sa pagitan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Office of the Sgt. at Arms, kaugnay sa tangkang pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Pulis na nag-viral dahil sa pananakit sa live-in partner, sinampahan ng patung-patong na kaso


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 14, 2026



SCOOP OF DA DAY: Pulis na nag-viral dahil sa pananakit sa live-in partner, sinampahan ng patung-patong na kaso

Humarap kay National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman at Executive Officer Atty. Ralph Calinisan (gitna) si Police Corporal Alimeri Dela Cruz (kaliwa), ang pulis na nag-viral dahil sa pananakit sa live-in partner nito na si alyas Ayra. Pormal nang sinampahan ng patung-patong na kaso ng Napolcom si Dela Cruz. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: OSAA ng Senado armado, kasunod ng umano'y pananakit at tangkang pag-aresto kay Bato


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 13, 2026



SCOOP OF DA DAY: OSAA ng Senado armado, kasunod ng tangkang pag-aresto kay Bato

Makikita sa larawan ang ilan sa mga tauhan ng Office of the Sgt. At Arms (OSAA) ng Senado na armado na ng automatic rifle habang nagbabantay sa loob ng naturang gusali kasunod ng nangyaring umano’y pananakit sa isa nilang kasamahan ng mga ahente ng NBI sa kalagitnaan ng tangkang pag-aresto kay Senador Ronald dela Rosa. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Sen. Bato humarap sa Senado


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 12, 2026



SCOOP OF DA DAY: Sen. Bato humarap sa Senado

Personal na humarap si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa session hall ng Senado kahapon, Mayo 11. (PHOTO SENATE)





NEWS SCOOP: Bigat ng trapiko naranasan sa SCTEX, matapos ang long weekend


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 11, 2026



SCOOP OF DA DAY: Bigat ng trapiko naranasan sa SCTEX, matapos ang long weekend

Dahil sa sobrang bigat ng trapiko ay halos hindi na makausad ang mga sasakyan sa magkabilang linya papasok at palabas ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) sa bahagi ng Tipo Road, Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na nagsisibalikan sa kani-kanilang destinasyon matapos ang long weekend na bakasyon. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Hindi nakapagbayad ng permit sa halos 10 taon... Mga tindahan sa public market, ipinasara


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 10, 2026



SCOOP OF DA DAY: Hindi nakapagbayad ng permit sa halos 10 taon... Mga tindahan sa public market, ipinasara

Kasama ang ilang miyembro ng Police Station 1 ng Olongapo City Police Office (OCPO), nanguna sa pag-padlock ang mga kawani ng Business Permit ng Local Government Unit sa mga tindahan sa public market ng Lungsod dahil sa hindi na nakapagbayad ng kanilang permit sa halos 10 taon. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: TNVS driver nanumpa sa Napolcom upang ireklamo ang 4 na miyembro ng PNP-HPG


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 8, 2026



SCOOP OF DA DAY: TNVS driver nanumpa sa Napolcom upang ireklamo ang 4 na miyembro ng PNP-HPG

Ang TNVS driver na nanumpa sa harapan ni Napolcom Executive Director Atty. Ralph Calinisan para ireklamo ang apat na miyembro ng PNP-HPG personnel na sangkot umano sa pangingikil. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: PBBM, dumating sa Joint Task Force ng Philippines-US Balikatan War Exercises


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 7, 2026



SCOOP OF DA DAY: Mining exploration sa Subic, operasyon ipinatigil

Isa si Gen. Christian Wortman, senior U.S. Marine commander na sumalubong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagdating nito sa Camp Aguinaldo sa Quezon City bilang bahagi ng Joint Task Force (JTF) ng Philippines-US Balikatan War Exercises 2026. (Jeff Tumbado) 





NEWS SCOOP: Mining exploration sa Subic, operasyon ipinatigil


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 6, 2026



Ang ilang makinarya na ginagamit sa mining exploration sa Subic, Zambales na kinumpiska  ng pulisya makaraang ipatigil ang operasyon ng DENR. (Jeff Tumbado via Bulgar)

Ang ilang makinarya na ginagamit sa mining exploration sa Subic, Zambales na kinumpiska  ng pulisya makaraang ipatigil ang operasyon ng DENR. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Sunog sa Taytay... 20 kabahayan natupok


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 4, 2026



SCOOP OF DA DAY: Sunog sa Taytay... 20 kabahayan natupok

Nasa 20 kabahayan ang natupok ng apoy habang patuloy na inaapula ng mga bumbero sa sumiklab na sunog sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal pasado alas-3 ng hapon kahapon. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Dahil sa tindi ng init ng panahon... Pag-rasyon ng tubig sa Olongapo, isinagawa


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 3, 2026



SCOOP OF DA DAY: Dahil sa tindi ng init ng panahon... Pag-rasyon ng tubig sa Olongapo, isinagawa

Kani-kaniyang dala at pila ng mga balde ang mga residente ng Amelia Heights Gordon Heights, Olongapo City upang marasyunan ng tubig mula sa fire truck ng Olongapo Fire-Rescue Team (Bravo) dahil na rin sa tindi ng init ng panahon. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Kilos-protesta kasabay ng Labor Day


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 2, 2026



NEWS SCOOP: Kilos-protesta kasabay ng Labor Day

Nagmistulang dagat ang magkabilang linya sa España Boulevard, Maynila dahil sa kapal ng tao na lumahol sa kilos-protesta kasabay ng Labor Day. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Nasabat ng Bureau of Customs... 249 M halaga ng shabu, nakatago sa mga kahon ng LED spotlights


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 29, 2026


Nasa P249.83 milyong halaga ng shabu na nakatago sa malalaking kahon na naglalaman ng mga LED spotlights ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC)

Nasa P249.83 milyong halaga ng shabu na nakatago sa malalaking kahon na naglalaman ng mga LED spotlights ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) matapos madiskubre sa isang warehouse sa Pasay City. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Asawa ni VP Sara na si Atty. Manases Carpio, pormal na naghain ng reklamong kriminal


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 28, 2026



Asawa ni VP Sara na si Atty. Manases Carpio, pormal na naghain ng reklamong kriminal

Pormal nang naghain ng reklamong kriminal sa Quezon City Prosecutor’s Office si Atty. Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, laban sa ilang kongresista at opisyal ng gobyerno, dahil sa paglabag umano sa Anti-Money Laundering Act, Bank Secrecy Law at Data Privacy Act. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Paglilinis at pag-segregate ng mga basura pinangunahan sa pakikiisa sa Earth Day


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 27, 2026



Pinangunahan ng mga environmental groups ang pag segregate ng mga basura na kanilang naipon mula sa paglilinis sa kahabaan ng baybaying dagat sa Subic Bay Freeport Zone bilang pakikiisa sa selebrasyon ng “Earth Day” ngayong 2026.

Pinangunahan ng mga environmental groups ang pag segregate ng mga basura na kanilang naipon mula sa paglilinis sa kahabaan ng baybaying dagat sa Subic Bay Freeport Zone bilang pakikiisa sa selebrasyon ng “Earth Day” ngayong 2026. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Experts mula Japan, dumating para tumulong sa nasusunog na Navotas Landfill


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 26, 2026



Experts mula Japan, dumating para tumulong sa nasusunog na Navotas Landfill

Dumating sa Lungsod ng Navotas ang mga experts mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) upang tumulong para mapabilis at tuluyan nang maapula ang apoy sa nasusunog na lumang Navotas landfill dahil malawak ang kanilang karanasan sa landfill fire management. (Maeng Santos via Bulgar)





NEWS SCOOP: Terminal sa QC, punuan para sa long weekend


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 25, 2026



HAPON na pero punuan pa rin ang mga pasahero sa Victory Liner bus terminal sa Cubao, Quezon City na nais humabol pauwi ng mga probinsya patungong Central Luzon ngayong araw ng Biyernes lalo’t long weekend. (Jeff Tumbado)

Hapon na pero punuan pa rin ang mga pasahero sa Victory Liner bus terminal sa Cubao, Quezon City na nais humabol pauwi ng mga probinsya patungong Central Luzon nitong araw ng Biyernes lalo’t long weekend. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: MOA nilagdaan sa pagpuksa kontra child sexual abuse sa digital space


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 24, 2026



NBI Director Atty. Melvin Matibag at Child Rescue Coalition, Inc. (CRC) Chief Executive Officer Greg Schiller matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement at Deed of Donation para sa pagpapalakas sa pagpuksa kontra child sexual abuse sa digital space.

Sina NBI Director Atty. Melvin Matibag at Child Rescue Coalition, Inc. (CRC) Chief Executive Officer Greg Schiller matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement at Deed of Donation para sa pagpapalakas sa pagpuksa kontra child sexual abuse sa digital space. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Remulla at Trillanes, dumalo bilang panguhing testigo sa impeachment laban kay VP Sara


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 23, 2026


Remulla at Trillanes, dumalo bilang panguhing testigo sa impeachment laban kay VP Sara

Dumalo sina Ombudsman Jesus Crispin Remulla at dating Senador Antonio Trillanes IV bilang mga pangunahing testigo ng House Justice Committee ng House of Representatives sa pagdinig ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: 19 hinihinalang NPA, napatay sa engkuwentro


ni Mai Ancheta @Feature & Media | April 22, 2026



19 na hininihalang miyembro ng NPA napatay sa engkuwentro ng militar sa Negros Occidental. (Mai Ancheta)

19 na hininihalang miyembro ng NPA napatay sa engkuwentro ng militar sa Negros Occidental. (Mai Ancheta via Bulgar)

 
 

ni Jeff Tumbado @News | October 6, 2023




Sa harap ng national headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame sa Quezon City nagkasa ng kilos-protesta ang mga miyembro ng Gabriela upang kondenahin ang pagpaslang sa lider at organisador ng mga manggagawa na si Jude Fernandez kamakailan.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page