top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

ni BRT @News | April 29, 2026



Inflation rate

Photo: File


Patuloy ang pagsadsad ng halaga ng Philippine Peso laban sa US Dollar matapos nitong magsara sa P 61.300 kahapon, Abril 28.


Ito na ang pinakamababang halaga ng piso laban sa dolyar.

Nauna nang sumampa ang piso sa P61.13 sa intraday trading kahapon.

 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | April 26, 2026



Japan wildfire - Kyodo - Reuters


Sumiklab ang dalawang sunog sa kagubatan sa Iwate Prefecture, Japan na nagsimula noong Miyerkules, kung saan umabot na sa 1,800 ektarya ang tinupok ng apoy hanggang nitong Biyernes ng umaga (local time). Dahil dito, mahigit 1,000 residente ang inilikas.


Ayon sa ulat, unang naganap ang sunog sa Kozuchi district ng bayan ng Otsuchi bandang alas-1:50 ng hapon. Mabilis itong kumalat at naapektuhan ang ilang gusali pati na ang kalapit na kagubatan.


Ilang oras matapos nito, isa pang sunog ang sumiklab sa bulubunduking bahagi ng Kirikiri district, na tinatayang nasa 10 kilometro ang layo mula sa unang pinangyarihan.

Dahil sa banta ng panganib, nasa 3,000 residente ang pinalikas, lalo na ang mga nakatira malapit sa ikalawang lugar na tinamaan ng sunog.


Sa kabila ng insidente, wala pang naitatalang nasawi o nasugatan.

Nauna nang nagbabala ang weather observatory sa lugar tungkol sa tuyong panahon at malalakas na hangin, na pinaniniwalaang nagpalala sa mabilis na pagkalat ng apoy.


Samantala, isang 61-anyos na residente na lumikas kasama ang kanyang pamilya ang nagpatunay na dalawang magkahiwalay na sunog ang naganap. Ipinahayag din niya ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng kanilang tahanan.

 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | April 15, 2026



Donald J. Trump as Christ or doctor

Photo: Circulated / AI



Umani ng matinding batikos si US President Donald Trump matapos niyang mag-post ng isang AI-generated na imahe ng tila “Jesus-like figure” na kalaunan ay binura sa kanyang social media platform na Truth Social.


Ang naturang larawan ay inilabas kasabay ng panibagong pagbatikos ni Trump kay Pope Leo XIV, na tinawag niyang “weak on crime” at “terrible for foreign policy.”


Sa AI-generated image, makikitang nakasuot si Trump ng puting robe at tila nagpapagaling ng isang tao, habang may hawak na makinang na orb. Sa background naman ay makikita ang mga simbolo tulad ng Statue of Liberty, agila, at fighter jets.


Nag-viral ang post at umani ng kritisismo mula sa iba’t ibang grupo, kabilang ang ilang konserbatibong tagasuporta ni Trump at mga personalidad sa conservative circles, na nagsabing hindi angkop ang paglalagay sa isang politiko sa imahe ng isang religious figure.


Ayon sa ilang kritiko, maaari rin umanong makaapekto ang ganitong hakbang sa relasyon ni Trump sa religious right, na naging mahalagang bahagi ng kanyang suporta sa mga nakaraang halalan.


Sa ngayon, tikom pa ang White House sa isyu, habang tinanggal na rin ang naturang post sa account ni Trump.





IKALAWANG US-IRAN TALKS, TARGET BAGO MAGPASO ANG CEASEFIRE SA APRIL 21



TARGET ng Amerika na magsagawa ng ikalawang round ng negosasyon sa Iran bago magtapos ang ceasefire sa Abril 21.


Ayon sa isang source na pamilyar sa usapin, kasalukuyang nagsasagawa ng internal discussions ang mga opisyal ng Trump administration hinggil sa posibleng ikalawang in-person meeting kasama ang mga kinatawan ng Iran.


Nananatiling bukas si US President Donald Trump na ipagpatuloy ang face-to-face negotiations sa lalong madaling panahon, sa sandaling handa na ang Iran na tumugon sa kanyang mga kondisyon.


Sa ngayon, patuloy pang tinutukoy ng mga opisyal ang posibleng petsa at lokasyon, depende sa magiging takbo ng nagpapatuloy na pag-uusap sa pagitan ng Iran at mga regional mediators sa mga susunod na araw.


Gayunman, nananatiling hindi tiyak kung agad na susunod ang Iran sa mga hinihingi ni Trump, lalo na’t nauna na nitong tinutulan ang ilan sa mga kondisyon ng Amerika, kasabay ng pagsisimula ng blockade ng US military sa mga pantalan ng Iran nitong Lunes ng umaga (eastern time).





Sakay ng cruise ship... STEPSISTER INABUSO, PINATAY, 16-ANYOS ARESTADO



ISANG 16-anyos na lalaki ang kinasuhan kaugnay sa umano’y pang-aabuso at pagpatay sa kanyang stepsister habang nasa bakasyon ang kanilang pamilya sakay ng isang cruise ship noong Nobyembre, ayon sa mga piskal.


Ayon sa US Department of Justice, pinaniniwalaang sekswal na inabuso at sinadyang patayin ng binatilyo ang 18-anyos na si Anna Kepner habang nasa international waters ang barkong Carnival Horizon.


Una siyang kinasuhan bilang  juvenile, ngunit kalaunan ay isinampa ang mga kasong first-degree murder at aggravated sexual abuse bilang adult.

Si Kepner ay isang cheerleader na inaasahang magtatapos ng high school sa Florida at may planong sumali sa militar.


Natagpuan ang kanyang bangkay sa ilalim ng kama, nakabalot sa kumot at natatakpan ng life vests. Ayon sa otoridad, ang sanhi ng kanyang pagkamatay ay mechanical asphyxia o pagkasakal.


Magkasama sa biyahe ang pamilya, kabilang ang ama at stepmother ng biktima. Ayon sa mga ulat, maayos umano ang samahan ng pamilya bago ang insidente.

Posibleng habambuhay na pagkakakulong ang parusa ng akusado kung mapapatunayang nagkasala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page