top of page
Search
  • BULGAR
  • Dec 31, 2023

ni Jenny Rose Albason @News | December 31, 2023





Enero Photo: EDSA Bus Carousel

ENERO - SA unang araw ng taong 2023, daan-daang pasahero  ang naapektuhan sa anim na oras na pagsasara ng Philippine airspace dulot ng technical issue sa navigation traffic system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).


INANUNSYO ni Land Transportation  Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III ang pag-apruba sa P1.2 bilyong budget para sa pagbabalik ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.


NAGPAKAMATAY ang  limang magsasaka dahil sa pagkalugi sa pananim na sibuyas na kahit bilhin umano sa mas mataas na farm gate price ay hindi pa rin sapat. Isa rin sa dahilan ng pagpapakamatay ng isang magsasaka ay dahil sa milyun-milyong utang matapos sirain ng harabas o army worm ang kanilang pananim.



Pebrero Photo: Luis Manzano

PEBRERO – IBINULGAR ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na humihingi umano ng tatlumpung porsyento ng nakukumpiskang ilegal na droga ang ilang nagsilbing asset ng gobyerno. Sa halip na pera ay droga umano ang gustong pabuya ng mga ito.


NAGLABAS ang National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena laban sa aktor na si Luis Manzano kaugnay sa mga reklamo sa umano’y investment scam sa Flex Petroleum Corporation. Napag-alaman ding nasa 40 investors kabilang ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) ang nagsampa ng kaso laban kay Manzano.



Marso Photo: John Matthew Salilig

MARSO - ISANG bangkay ng estudyante na hinihinalang biktima ng hazing ang nadiskubre na nakalibing sa bakanteng lote sa Cavite. Kinilala ang biktima na si John Matthew Salilig, isang chemical engineering student mula sa Adamson University. Nasawi si Matthew matapos sumailalim sa fraternity initiation rites na isinagawa ng Tau Gamma Phi.


IBINASURA ng 3rd Division ng Supreme Court (SC) ang kasong rape at acts of lasciviousness laban sa aktor na si Vhong Navarro sa umano’y panghahalay sa modelo na si Deniece Cornejo dahil sa kawalan ng sapat na probable cause.



Abril Photo: LISENSYANG PAPEL

ABRIL – SINAMPAHAN ng dalawang kasong graft ng Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista kaugnay sa pagkakasangkot sa dalawang kontrobersyal na government projects noong 2019.


PANSAMANTALANG pinayagan ng Land Transportation Office (LTO) na magamit bilang driver’s license ang Official Receipt (OR) o ang resibo na ibinibigay kapag kumukuha ng lisensya sa pagmamaneho. Ito ay bunsod ng kakulangan ng suplay ng plastic card na ginagamit sa paggawa ng driver’s license.



Mayo Photos: Gloria Arroyo 

MAYO - INABSUWELTO ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 si dating Senador Leila De Lima matapos ang anim na taong pagkakakulong sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading, mula sa isa dalawang natitirang kaso nito.


KASUNOD ng pag-alis kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior Deputy Speaker, nasundan ito ng pagkalas ni Vice President Sara Duterte sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD). Ayon kay Liberal Party President at Albay Rep. Edcel Lagman, ang pag-demote kay Arroyo na nasundan ng pagbibitiw ni Duterte ay “obviously related”.



Hunyo Photo: Kabaong 

HUNYO – NAKARANAS ng pangha-harass ang ilang kliyente ng online lending apps mula sa mga online lender na kanilang inutangan. Dahil na-delay ang pagbayad, ang isang kliyente ay pinadalhan ng korona ng patay, habang ang isa naman ay kabaong na ang ipinadala.


ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Atty. Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), makikipagtulungan si Gadon sa mga ahensya ng gobyerno at non-government organizations upang tugunan ang ugat ng kahirapan sa bansa.


DINAGDAGAN P40 ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa NCR, kaya mula sa dating P570, ngayon ay P610 na. Ito ay matapos maglabas ng kautusan ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Wage Order No. NCR-24 noong Hunyo 26, 2023.



Hulyo Photo: LOVE THE PHILIPPINES LOGO

HULYO – BUKING ang DDB Philippines, ang agency na kinuha ng Department of Tourism (DOT) para sa bagong tourism campaign na “Love the Philippines” matapos kumalat online na ang ilang video clips ay hindi umano kinuha sa Pilipinas.


NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Maharlika Investment Fund Act of 2023 kung saan inilagay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na susuporta sa mga layunin ng administrasyon sa ekonomiya.



Agosto Photo:  Pura Luka Vega

AGOSTO – KINASUHAN ng Hijos Del Nazareno na binubuo ng mga deboto ng Itim na Nazareno ang drag artist na si Amadeus Fernando Pagente alyas “Pura Luka Vega.” Ang kaso laban kay Pura Luka ay nag-ugat sa panggagaya nito sa Nazareno habang kinakanta at sinasayaw ang bersiyon nito ng "Ama Namin" na ikinagalit at ikinainsulto ng mga deboto ng Nazareno.


KINUMPIRMA ng National Bureau of Investigation (NBI) na inaresto ang dating newscaster at TV host na si Jay Sonza matapos harangan ng Bureau of Immigration bago lumipad pa-Hong Kong, dahil sa kasong estafa.


SINANG-AYUNAN ng 265 miyembro ng Kamara ang rekomendasyon na patalsikin na si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. Ginawa ng Committee on Ethics ang rekomendasyon dahil sa “disorderly behavior” at paglabag sa Code of Conduct ng Kamara.



Setyembre Photo: Senior Agila

SETYEMBRE - INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang 'mandated price ceiling' para sa regular milled rice ay P41.00 kada kilo habang ang P45 naman para sa well-milled rice.


NAGLAGAY ng floating barrier ang China Coast Guard (CCG)  sa timog-silangang bahagi ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, na pumipigil sa mga mangingisdang Pilipino na makapasok sa lugar upang magsagawa ng kanilang mga aktibidad sa pangingisda.


ISANG resolution ang inihain sa Senado na naglalayong imbestigahan ang mga kaso ng panggagahasa, sekswal na pang-aabuso, sapilitang pagtatrabaho at child marriage na isinasagawa umano ng kultong Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI) na pinamumunuan ni Jey Rence Quilario aka Senior Agila, sa Socorro, Surigao del Norte.



Oktubre Photo: Polling precinct

OKTUBRE – SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III matapos ibulgar ng kanyang dating assistant ang ‘lagayan’ sa ahensya.


KINASUHAN ng Office of the Ombudsman si dating Health Secretary at ngayo'y Iloilo Rep. Janette Garin at apat pang dating health officials ng graft at technical malversation kaugnay ng umano'y anomalyang pagbili ng P3.5 bilyong halaga ng Dengvaxia vaccines noong 2015.


PANSAMANTALANG sinuspinde ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr. ang implementasyon ng Maharlika Investment Fund. Nais ng Pangulo na magkaroon muna ng mas mahaba at malalim na pag-aaral sa naturang batas.


ISINAGAWA ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa bansa. Ayon sa batas, ang BSKE ay magaganap kada-tatlong taon, subalit dahil sa mga pagkaantala at pagpapaliban na naganap, ang mga kasalukuyang barangay captain, kagawad at SK officers ay nanatili sa kanilang pwesto ng halos limang taon na.



Nobyembre Photo: CPP-NPA-NDF   

NOBYEMBRE – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang business tycoon na si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA). Pinalitan ni Laurel si Marcos, na humawak sa posisyon ng kalihim ng DA mula nang maupo siya sa pagka-pangulo noong nakaraang taon.


PATAY ang brodkaster na si Juan Jumalon o kilalang “Johnny Walker” matapos barilin at pagnakawan habang nagpoprograma sa kanyang bahay sa Brgy. Don Bernardo A. Neri, Calamba, Misamis Oriental.


NATAGPUANG nakabigti at wala nang buhay ang dalawang babaeng estudyante na edad 13 at 15, sa loob ng kanilang eskwelahan sa Signal Village National High School sa Taguig City. 

BINIGYAN ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ilang miyembro ng rebeldeng grupo kasama na ang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).


OPISYAL nang diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang technology provider na Smartmatic sa procurement process matapos mag-supply ng mga makina para sa automated elections simula pa noong 2010.



Disyembre Photo:MSU bombing

DISYEMBRE –  HINDI bababa sa 11 katao ang kumpirmadong nasawi matapos ang pambobomba sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City habang ginaganap ang misa. Ayon sa ulat ng Philippine Army 1st Infantry Division (1ID), nasa 46 katao ang dinala sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi matapos ang pagsabog.


PINAHINTULUTAN ni Pope Francis ang mga pari sa Simbahang Katoliko na bigyan ng basbas ang mga same-sex couples sa pamamagitan ng walong pahinang dokumento na may pamagat na “On the Pastoral Meaning of Blessings.” 



 
 

ni Chit Luna @Brand Zone | December 5, 2023





Ilang bansa na sumuway sa payo ng World Health Organization (WHO) ang nakaranas ng matinding pagbaba sa paninigarilyo nang payagan nila ang paggamit ng vapes, heated tobacco at iba pang smoke-free na produkto, ayon sa mga eksperto sa pampublikong kalusugan.


Ayon kay Prof. David Sweanor, tagapangulo ng advisory board ng Center for Health Law, Policy and Ethics sa University of Ottawa, bumaba ang paninigarilyo sa mga bansang tulad ng Sweden, United Kingdom at Japan matapos nilang payagan ang mga alternatibong produkto na itinuturing na hindi gaanong nakakapinsala kumpara sa karaniwang tabako.


Sinabi na Prof. Sweanor na base sa mga pag-aaral ng sa loob ng maraming dekada, ang dahilan kung bakit namamatay ang mga tao sa paninigarilyo ay dahil sa paglanghap ng usok, at hindi dahil sa nikotina.


“We know that the countries that have had the biggest declines in cigarette smoking in recent times are countries that are essentially ignoring the advice of the World Health Organization—places that have allowed substitutes to replace cigarettes,” pahayag ni Prof. Sweanor sa isang virtual event na ginanap sa Italy ng Formiche at Healthcare Policy noong Nobyember 24.


Tinalakay sa virtual forum ang mga patakaran ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) at ang Conference of the Parties (COP) meeting sa dapat sanang ginanap sa Panama noong Nobyembre. Ipiagpaliban ng WHO FCTC ang nasabing pagpupulong at sinabing itutuloy na lamang ito sa taong 2024.


Sinabi ni Prof. Sweanor na maaaring malunasan ang problema ng paninigarilyo sa buong mundo sa pamamagitan ng paglipat sa mga produktong may mababang dulot ng panganib. Si Prof. Sweanor ang unang abogado sa mundo na nagtrabaho para sa mga patakaran na naglalayong bawasan ang pinsala mula sa paninigarilyo.


Isa din siya sa mga internasyonal na eksperto na sumulat sa WHO upang ituro ang mga problemang kinakaharap dahil sa pagtutol nito sa konsepto ng tobacco harm reduction o THR.


Sinabi ni Prof. Sweanor na maraming mga bansa ang binabalewala ngayon ang payo ng WHO dahil sa patuloy nitong pagbabawal sa mga makabagong produkto tulad ng vapes, heated tobacco at snus na nakatulong sa ilang bansa na bawasan ang paninigarilyo.


Aniya, nawawalan din ng tiwala ang mga tao sa mga awtoridad katulad ng WHO. Salungat sa dikta ng WHO, ang mga bansa ay maaaring gumawa ng mga bagay na ikabubuti ng kalusugan ng mga tao, dagdag niya.


Kasabay nito, binatikos niya ang WHO FCTC dahil sa kawalan ng pagsusuri sa mga ebidensya at sa pagpupulong na hindi ibinubukas ang pinto sa ibang mga kalahok tulad ng mga konsyumer.


Ang ganitong uri ng saradong talakayan ng mga taong may isinusulong na ideolohiya, paniniwala sa pulitika o relihiyon ay nakakasagabal sa kalusugan ng publiko, sabi nig Prof. Sweanor.


Sinabi naman ni Dr. Anders Milton, isang doktor at dating presidente ng World Medical Association, na may mahigit isang bilyon naninigarilyo sa mundo ngayon.


“Fifty percent of them will die unless we do something. So 500 million will die without us doing anything. As you know, the World Health Organization wants to forbid everything but cigarettes, really, and I think that's the wrong way to go. I think we should use harm reduction instead,” ayon kay Dr. Milton.


Ayon kay Dr. Riccardo Polosa, isang propesor ng Internal Medicine sa Unibersidad ng Catania at tagapagtatag ng Center of Excellence for the Acceleration of Harm Reduction (CoEHAR) sa Italy, na madaming siyentipikong ebidensya na ang nagpapakita na ang mga vape at heated tobacco products ay 80 porsyento hanggang 90 porsiyento na may mas mababang panganib kumpara sa sigarilyo na sinusunog at nagbubuga ng mga nakakalason na kemical.


Sinabi ni Dr. Polosa na ang mga patakaran sa pagkontrol ng tabako ay nangangailangan ng pagbabago.


Kinatigan ito ni Maria Alejandra Medina, coordinator ng Corporación Acción Técnica Social sa Colombia na nagsabing sinusubukang itago ng Conference of the Parties (COP) ng WHO FCTC ang katotohanan.


“The COP is not telling the difference between nicotine and tobacco and the alternatives that are potential solutions for too many people. This sows misinformation and confuses users about the profile rates between different products,” ayon kay Medina.


Ang hindi pagsali sa mga mamimili ng nikotina sa paggawa ng regulasyon ay paglabag din sa kanilang karapatang pantao, sabi niya.


Sinabi ni Medina na ang kasalukuyang patakaran sa tabako ng WHO ay lumilikha ng higit na pinsala dahil sa pagtutol nito sa mga alternatibong produkto na maaaring makatulong sa mga naninigarilyo.


 
 

by Info @Brand Zone | November 26, 2023






The Philippines will be hosting the Global Summit Conference & Global Proclamation of IPC GC IGO on November 24 & 25, 2023 which will be held in Conrad Hotel Manila, Philippines, this project is initiated by International Police Commission Global Command Inter-governmental Organization (IPC GC IGO) headed by IPC Supreme Commanding General ROBERT BIAZON which aims to further strengthen the Peace & Order, Humanity, Cooperation and Protection of Life and Property plus an amazing covenant that will bring back the highest glory to the Philippines and the rest of the world.


This international Global Summit event will highlight the cooperative works and humanitarian mission of IPC GC IGO together with the 150 International delegates from 44 Countries all over the world which will also be attended by our invited Honorary Guest Speaker which are as follows:


Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff - General Romeo Brawner, Philippine National Police (PNP) Chief - Police Director General Benjamin Acorda, Presidential Executive Chief of Staff - Secretary Lucas Bersamin together with more than 800 delegates and attendees to this most prestigious gathering in Global Summit Conference & Global Proclamation of IPC GC IGO.


Day 1 of this Global Summit Conference will be the Business Conference where we discussed the huge Construction and development of the IPC GC IGO Humanitarian and cooperative projects that will soon rise in Zambales and the rest of the Philippine archipelago. This event was attended by more than a hundred IPC members all over the Philippines.


Day 2 of the event is highlight of the Global Summit Conference and Global Proclamation of IPC GC IGO since this will be attended by International Ambassadors, Generals and invited Honorary Guest like AFP Chief of Staff - General Romeo Browner, PNP Chief - PD General Benjamin Acorda Jr., Presidential Executive Secretary - Secretary Lucas Bersamin who fully supports the Mission, Vision and advocacies of IPC GC IGO.


Another highlight of this event is the crowning of King Chua Tai Li and Queen Maria Pilar Fernandez Verandmal which has a huge mandate in propagating plans for the

development, construction, infrastructure and humanitarian projects under the support and tutelage of IPC GC IGO.


This event entitled “Global Summit Conference and Global Proclamation of IPC GC IGO 2023” held in Conrad Hotel Manila last November 24 & 25, 2023 were made successfully under the RLTV Entertainment Production headed by the Events, Concert and Film Director - Mr. Ronald B. Abad, who is also a member Kapisanan ng Direktor ng Pekulang Pilipino (KDPP), Philippine Investigative Media Alliance Inc. and Film Development Council of the Philippines (FDCP) together with the help and support of AJT Events Production and Management headed by Miss Jennifer Rabe who also

stands as our official Host of the Event.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page