top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 3, 2021


ree

Isa ang patay at 3 ang sugatan sa naganap na riot sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City habang nagsasagawa ng Oplan Galugad search operation ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) noong Martes.


Ayon kay BuCor Spokesman Assistant Secretary Gabriel Chaclag, nagsimula ang riot nang suntukin ng isang preso ang kapwa nito inmate na naging dahilan ng pagkakainitan ng iba pa nilang mga kasamahan.


Saad pa ni Chaclag, "One was stabbed during our search operations, while others fought in a separate area. Others' impression was that a riot transpired.”


Kaagad naman umanong hinuli ng awtoridad ang mga suspek. Tinatayang aabot sa 100 pana, isang daang bolo at machete at mga high-tech na cellphones at gadgets ang narekober sa isinagawang Oplan Galugad.


Narekober din ng awtoridad ang mga bladed weapons atbp. nakamamatay na gamit.


Samantala, ipinagbabawal pa rin ang pagbisita sa Bilibid dahil sa COVID-19 pandemic.


Saad pa ni Chaclag, "We depend on the IATF protocols. Even if we allow visits, people are still prohibited to travel. Common sense, we follow the prevailing situation outside.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 27, 2021



ree

Pumanaw na ang dating Calauan, Laguna mayor na si Antonio Sanchez, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Sabado.


Natagpuang walang malay si Sanchez sa New Bilibid Prison at isinugod sa National Bilibid Prison Hospital bandang 8:30 nang umaga at idineklara ring dead on arrival.


Nakatakda namang isailalim sa autopsy ang kanyang mga labi. Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, mayroong pre-existing conditions si Sanchez katulad ng chronic kidney disease, hypertension, gastroenteritis, prostate problems, at asthma.


Nilinaw naman ng BuCor na negatibo si Sanchez sa COVID-19.


Noong 1993, ikinulong si Sanchez sa kasong rape-slay sa estudyante ng University of the Philippines Los Baños na si Eileen Sarmenta at pagpatay sa kaibigan nitong si Allan Gomez.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 19, 2021



ree


Natagpuang patay sa loob ng selda ang high-profile inmate at diumano’y leader ng car theft syndicate na si Raymond Dominguez ngayong Biyernes nang umaga, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).


Kinumpirma ni BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag na natagpuang patay si Dominguez sa loob ng kanyang selda sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City kaninang alas-6:20 AM.


Wala naman umanong senyales ng foul play at saad pa ni Chaclag, “It appears that he died of natural causes. But we will wait for the medico-legal report.”


Ipinag-utos na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magsumite ang BuCor ng ulat tungkol sa insidente sa lalong madaling panahon.


Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Dominguez.


Noong Hulyo, pinabulaanan ng BuCor ang balitang pagpanaw ni Dominguez dahil sa COVID-19 ngunit kinumpirma rin ng ahensiya na nagpositibo ito sa naturang sakit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page