top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021


ree

Kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR o antigen test ang mga biyahero mula sa Bohol at Negros Oriental at Occidental na pupuntang Cebu simula ngayong araw, Hunyo 14 hanggang sa July 24, ayon sa lokal na pamahalaan.


Ayon sa Cebu Provincial Government, kailangang isagawa ang RT-PCR test sa loob ng 72 oras bago ang biyahe papuntang Cebu at ang rapid antigen test naman ay kailangang isagawa 48 hours bago bumiyahe.


Ayon naman kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ito ay ipinatupad bilang pag-iingat dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Bohol at Negros.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 20, 2021



ree

Natagpuang patay ang isang lalaki sa tubuhan sa Hacienda Sagrado 2, Barangay Zone 16 Talisay, Negros Occidental, kung saan tadtad ito ng tama ng mga bala ng baril sa ulo at dibdib.


Ayon sa Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO), kinilala ang biktima bilang si Brayan Barredo, 24-anyos na dating natokhang.


Samantala, nitong Martes ay isa ring biktima ang natagpuang patay sa tubuhan sa bayan naman ng Murcia, kung saan tadtad din ng tama ng bala ng baril ang katawan.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod ng magkasunod na krimen.

 
 

ni Lolet Abania | January 15, 2021


ree


Isang hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang nadakip ng tropa ng militar at kapulisan sa Talisay City, Negros Occidental kahapon.


Sa nakalap na impormasyon mula sa Philippine Army's 3rd Infantry Division, nakilala ang suspek na si Ruffa "Reniel" Baynosa, residente ng Barangay San Jose, Toboso.


Sa isinagawang operasyon ng 79th Infantry Battalion at ng Talisay police, napag-alaman nilang si Baynosa ay nagtungo sa bahay ng isang Marilyn Dianton.


Agad na pinuntahan ng awtoridad si Baynosa at kinuwestiyon. Ayon sa awtoridad, si Baynosa ay may warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder na inisyu ni Presiding Judge Ma. Rita Bascos Sarabia ng Regional Trial Court Branch 58 ng San Carlos City.


Sinasabing si Baynosa ay sangkot umano sa nangyaring ambush sa mga sibilyan sa Barangay Salamanca sa Toboso noong July 2009, kung saan tatlong civilians ang namatay at tatlong iba pa ang nasaktan.


Pinasalamatan naman ni Lt. Col. Gerard Alvaran, commanding officer ng 79IB, ang ginawang pagsisikap ng tropa ng militar at mga kawani ng Talisay City Police Station para madakip si Baynosa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page