top of page
Search

ni Lolet Abania | January 8, 2022


ree

Ipinahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ngayong Sabado ang posibilidad na nai-upgrade o itaas ang quarantine status sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 4 habang patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.


Sa isang interview, sinabi ni Duque na kinokonsidera na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na itaas ang COVID-19 alert level sa Metro Manila dahil sa ang healthcare care utilization rate sa nasabing rehiyon ay malapit na sa moderate risk.


“Madali na lang ‘yan pumalo sa moderate risk, which means 50 to 70% utilization rate. Nasa 47 to 48% na tayo sa ngayon ‘yun sa ICUs (intensive care unit) natin sa NCR,” sabi ni Duque.


“Healthcare workers natin marami rin ang nagkakasakit,” dagdag pa ng kalihim.


Ayon kay Duque, sinisikap ng gobyerno na maiwasan ang ganitong sitwasyon, kung saan mayroong sapat na bed spaces sa mga ospital subalit hindi sapat ang mga healthcare workers dahil sa pagdami ng tinatamaan ng infections sa kanilang grupo.


“’Yun ang kinakatakutan natin. Pinaghahandaan natin ‘yan [kaya] hindi malayo ang NCR ipasya na mag-Alert Level 4,” ani Duque.


Samantala, ang Philippine National Police (PNP) ay naghahanda na para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na measures sa ilalim ng Alert Level 4, sakaling ang kasalukuyang protocols ay mabigong mapigilan ang pagtaas pa ng COVID-19 cases, ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos.


Sinabi ni Carlos na nagpe-prepare na ang pulisya para sa recalibration ng deployment at strategies na kanilang gagawin.


“We will take the cue from the NCR (National Capital Region) which has already implemented Alert Level 3 starting Monday, January 3.


So far, everything is working smoothly. We instructed our police personnel to be fully aware of the guidelines,” pahayag ni Carlos.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 7, 2022


ree

Nasa 10.4 milyon indibidwal o 106 percent na ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa Metro Manila.


“Sa ngayon po, ang nabakunahan po natin ay 106 percent na po, 10.4 million,” pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes.


Samantala, 11,147,904 indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang first dose as of January 4.


Sinabi rin ni Abalos na target nilang maturukan ng booster shots ang nasa 763,986 indibidwal ngayong buwan.


“Sa booster shots naman ang tina-target po namin ay [763,986] for January. Ngayon po ay nakaka-[727,897] na po tayo. Maganda na po, right on target,” aniya.


Sa kabilang banda, nag-e-exert din umano ng effort ang LGUs sa Metro Manila pagdating sa pagbabakuna sa pediatric population nito o ‘yung mga nasa edad 12-17.


“Sa pediatric, ito po ‘yung mga bata, ang target po rito is 1.4 million, nakaka-[919,975] na po tayo na first dose at 804,313 [for second dose],” pahayag ni Abalos.


“Double time pa rin po kami dito dahil talaga ang tanging solusyon dito, ang pinaka-solusyon ay ang pagbabakuna,” patuloy niya.

 
 

ni Lolet Abania | January 6, 2022


ree

Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes na ang mga biyahero na magtutungo sa National Capital Region (NCR) at sa Bulacan ay kinakailangang magprisinta ng kanilang COVID-19 vaccination cards sa mga checkpoints bago makapasok sa mga quarantine borders.


Sa isang statement, ang mga local government units (LGUs) ng Bulacan at mga lungsod ng Metro Manila ayon sa PNP, “have instructed police personnel to check for proof of vaccination of inbound travelers.”


“Those without vaccination cards will be barred from entering and will be asked to go back,” giit ni PNP chief General Dionardo Carlos.


Aminado naman ang PNP na nagkaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Bulacan sa unang araw ng pagpapatupad nito, subalit tiwala ang kapulisan na layon lamang ng ganitong paghihigpit na maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.


“The PNP is fully aware that movement must not be hampered, but non-essential travel can be controlled. Just stay at home at this time when you have nothing important to do outside,” sabi ni Carlos.


Ayon pa sa PNP, magtatalaga sila ng maraming mga pulis sa mga checkpoints na may malaking bulto ng mga sasakyan kung kinakailangan.


Matatandaang nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na huwag payagan ang mga hindi bakunadong indibidwal na lumabas at dapat na manatili sa kanilang tirahan, maliban kung sila ay bibili ng mga essential goods at services.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page