top of page
Search

ni Lolet Abania | March 14, 2022


ree

Inihain na ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ngayong Lunes ang apelang P470 dagdag sa sahod sa National Capital Region (NCR), kung saan aabot sa P1,007 ang daily minimum wage ng isang manggagawa.


Isinumite ng labor group ang kanilang petisyon na dagdag-sahod sa opisina ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-NCR na nakabase sa Manila, habang binanggit nila na ang gutom, malnutrisyon, at matinding pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing pangangailangan ang natatanging rason.


“Clearly, our minimum wage earners and their families have fallen from the category of low-income to newly poor. This is a sad commentary on the social condition in our country where those who break their backs to sustain and expand the economy are now wallowing in poverty,” sabi ni TUCP President Raymond Mendoza sa isang statement.


Ayon sa National Wages and Productivity Commission ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang daily minimum wage sa NCR sa ngayon ay nasa P500 hanggang P537.


Ipinunto ng TUCP na ang kasalukuyang monthly take-home pay na P12,843.48 ay “far below” o napakababa sa sinasabing monthly wage na P16,625.00 poverty threshold para sa isang pamilya na may limang miyembro sa Metro Manila.


Noong nakaraang Miyerkules, ipinahayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello na ang minimum wage sa NCR ay hindi na sasapat para sa mga manggagawa at kanilang pamilya dahil sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin.


Dahil dito, inatasan ni Bello ang RTWPBs sa buong bansa na madaliin ang pagre-review ng minimum wages.


“In 2019, our wage petition was dismissed. In 2020, COVID-19 took its toll on us. In 2021, we fought to recover and endured. Today, we make an action for and behalf of the poor workers and their families in Metro Manila. We are waging our war against poverty, we are aiming for a wage that will save our lives,” paliwanag ni Mendoza.


“Workers continued to give and sacrifice even with their declining health and strength for the sake of regional and economic development. And what do they get? Poverty, malnutrition, and misery,” dagdag pa nito.

 
 

ni Lolet Abania | February 27, 2022


ree

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa COVID-19 Alert Level 1 simula Marso 1 hanggang Marso 15, 2022.


Ito ay matapos na irekomenda kamakailan ng Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng 17 mga alkalde ng naturang rehiyon na ilagay na ang NCR sa Alert Level 1.


Naipahayag din ng Department of Health (DOH) na handa na ang Metro Manila na isailalim sa Alert Level 1.

 
 

ni Lolet Abania | February 24, 2022


ree

Inihirit ng samahan ng mga ospital sa bansa sa gobyerno, na maghintay na muna ng dalawa pang linggo at i-monitor ang trend ng COVID-19 cases bago tuluyang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1.


Sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes, sinabi ng pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) na si Jose de Grano, na posibleng balewalain ng mga tao ang minimum health standards kapag nag-shift na ang bansa sa pinakamababang alert level.


“Sa amin, ang rekomendasyon namin kung maaari ay maghintay tayo ng another two weeks. Pero kung iyon ang decision ng ating mga IATF, susunod naman po kami,” giit ni De Grano.


Ayon kay De Grano, nagiging maingat lamang ang hospital groups sa posibleng pagsirit ulit ng COVID-19 cases sa bansa kung saan nagsimula na rin ang election campaign period.


“Worried kami na baka after this, luwagan natin masyado, iyong mga tao ay hindi na sumunod sa mga minimum protocols. Baka bigla ulit magkaroon ng surge,” pagliwanag ng opisyal.


Una nang napagkasunduan ng mga mayors sa NCR na irekomenda ang pagsasailalim sa rehiyon sa Alert Level 1 mula sa dating Alert Level 2 simula Marso 1, 2022.


Sa ilalim ng Alert Level 1, papayagan na ang intrazonal at interzonal travel sa kahit ano pang edad at comorbidities.


Ang lahat ng establisimyento, mga indibidwal o aktibidad, ay papayagan ding mag-operate, habang ang mga magtatrabaho, o anumang katulad nito ay nasa full on-site o venue/seating capacity na subalit dapat na ipinatutupad ang minimum public health standards.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page