top of page
Search

ni Lolet Abania | May 13, 2022


ree

Nasa kabuuang 14 kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 ang na-detect sa bansa mula sa National Capital Region (NCR) at Palawan, ayon sa Department of Health (DOH).


Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang dalawang kaso ay na-detect sa NCR habang 12 naman sa Puerto Princesa City, kung saan 11 ay mga dayuhan at isang local case.


“We have detected 14 individuals with BA.2.12.1. Twelve galing sa Puerto Princesa, dalawa galing sa NCR,” pahayag ni Vergeire sa media briefing ngayong Biyernes.


Ayon kay Vergeire, ang dalawang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa NCR ay nakatanggap na ng kanilang booster shot habang nakaranas ng mild symptoms. Sa ngayon, itinuturing na silang nakarekober matapos na makumpleto ang kanilang home isolation.


Aniya pa, ang naturang dalawang kaso sa NCR ay may kabuuang 39 asymptomatic close contacts na kasalukuyang asymptomatic din.


“Inaalam natin ngayon ang kanilang vaccination status at saka ang kanilang status sa kanilang quarantine,” sabi ni Vergeire.


Matatandaan noong Abril, na-detect ang kauna-unahang kaso sa bansa ng Omicron BA.2.12, mula sa isang babaeng turista na Finnish national, sa Baguio City.


“In totality, itong dalawang ito pareho silang more transmissible than the original Omicron variant at saka pareho silang may possibility ng immune escape based from the experts or the studies that are coming out,” paliwanag ni Vergeire.


Sinabi pa ni Vergeire na parehong ang subvariants ay na-detect sa United Kingdom, United States, at Canada.


 
 

ni Lolet Abania | March 15, 2022


ree

Isinailalim ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang National Capital Region (NCR) at 47 iba pang lugar sa bansa sa Alert Level 1, simula Marso 16 hanggang Marso 31, ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar ngayong Martes.


Bukod sa NCR, ang sumusunod na lugar sa Luzon na isasailalim sa Alert Level 1 ay:


• Cordillera Administrative Region

• Abra

• Apayao

• Baguio City

• Kalinga Region 1

• Dagupan City

• Ilocos Norte

• Ilocos Sur

• La Union

• Pangasinan Region II

• Batanes

• Cagayan

• City of Santiago

• Isabela

• Quirino Region III

• Angeles City

• Aurora

• Bataan

• Bulacan

• Nueva Ecija

• Olongapo City

• Pampanga

• Tarlac

• Zambales Region IV-A

• Batangas

• Cavite

• Laguna

• Lucena City Region IV-B

• Marinduque

• Puerto Princesa City

• Romblon Region V

• Naga City

• Catanduanes


Sa Visayas, ang mga lugar na isasailalim sa Alert Level 1: Region VI


• Aklan

• Bacolod City

• Capiz

• Guimaras

• Iloilo City Region VII

• Cebu City

• Siquijor

• Region VIII

• Biliran

• Ormoc City

• Tacloban City


Sa Mindanao, ang mga lugar na isasailalim sa Alert Level 1: Region IX


• Zamboanga City Region X

• Cagayan de Oro City

• Camiguin Region XI

• Davao City CARAGA

• Butuan City


Ang mga lugar na wala sa listahan ay isasailalim naman sa Alert Level 2 mula Marso 16 hanggang 31.


 
 

ni Lolet Abania | March 15, 2022


ree

Inirekomenda ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na isailalim na sa “Alert Level 0” dahil magtatapos na rin sa Alert Level 1 ngayong Martes, Marso 15, ang rehiyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Sa isang interview kay MMDA General Manager Frisco San Juan Jr., sinabi nitong nagpahayag na ang mga mayors ng kanilang kahandaan para isailalim ang NCR sa Alert Level Zero.


“Ang desisyon po ng Metro Manila mayors ay nakahanda ang buong Metro Manila sa pagbaba from 1 to 0. Puwede na po kami,” ani San Juan.


Nang tanungin naman ang opisyal kung ito rin ang rekomendasyon ng mga NCR mayors sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), sinabi niyang, “Opo.”


Ayon kay San Juan, inaasahan ng MMDA na ili-lift na ang Alert Level 1 sa NCR. Aniya, bandang alas-5:00 ng hapon ngayong Martes ay malalaman ng kagawaran ang desisyon kung palalawigin o hindi na ang Alert Level 1 sa nasabing lugar.


Habang ayon kay San Juan, hihintayin pa rin ng mga alkalde ang magiging desisyon ng IATF.


Una nang ipinahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad na mas luwagan pa ang COVID-19 status sa bansa at gawing Alert Level 0 na ito.


Sinabi pa ni Duque na nakapagtala na ang bansa ng mas mababa sa isang libo ang mga COVID-19 cases daily sa loob ng anim na magkakasunod na araw habang ang NCR at 38 iba pang lugar ay isinailalim sa pinakamababang alert level hanggang Marso 15.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page