top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 2, 2021


ree

Extended hanggang Oktubre 15 ang Alert Level 4 sa NCR, ayon sa Inter-Agency Task Force on COVID-19 response.


Kasabay nito, pinayagan na rin ng IATF ang pagbubukas ng fitness studios at gyms, bagama't limitado lang sa 20 porsiyentong kapasidad at para lang sa mga bakunado.


Kailangan din ay fully-vaccinated ang lahat ng gym worker.


Ayon naman sa Philippine Fitness Alliance, maliit man ang ibinigay na puwang sa kanila ay papatulan na rin nila ito kaysa wala.


"Limang buwan kami, five full months lang kaming nakapag-operate, kaya sa amin kahit gaano kaliit iyan na porsiyento tatanggapin namin," ani Gold's Gym President Mylene Mendoza.


Magkakaroon din ng mga panuntunan gaya ng advanced booking at appointment, at apat na metrong physical distancing.


Inaprubahan din ng IATF na itaas ang kapasidad para sa dine-in services gayundin sa personal care services para sa fully vaccinated.


Samantala, isinailalim naman sa modified enhanced community quarantine o ECQ hanggang Oktubre 15 ang Apayao, Kalinga, Batanes, Bataan, Bulacan, Cavite, Lucena City, Rizal, Laguna, Naga City, at Iloilo Province, habang nasa general community quarantine o GCQ with heightened restrictions naman ang 26 lugar at regular GCQ naman ang 38 lugar hanggang katapusan ng Oktubre.

 
 

ni Lolet Abania | September 30, 2021


ree

Umabot na sa kabuuang 160,297 na mga violators ang naitala simula nang ipatupad ang Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR), ayon sa Philippine National Police (PNP).


Sa inilabas na update ng PNP, nasa 11,450 ang daily average na bilang ng mga pasaway na kanilang nai-record simula Setyembre 16 hanggang 29.


Karamihan sa mga nasabing indibidwal ay lumabag sa minimum public health standards sa gitna ng COVID-19 pandemic, na may kabuuang 113,918 violators habang may daily average naman na 8,137.


Ayon sa PNP, ang kabuuang bilang naman ng curfew violators na kanilang naitala ay nasa 44,556 na may daily average na 3,183.


May kabuuang 1,823 katao naman na hindi kinokonsiderang authorized persons outside residents (APORs) ang kanilang nahuli.


Ang NCR ay isinailalim sa Alert Level 4 bilang bahagi ng pilot testing ng pagpapatupad ng bagong five-level alert system.


Sa ilalim ng Alert Level 4, ikalawa sa pinakamataas na alert level, ito ay mga lugar na may mataas na bilang ng kaso ng infections o tumataas pa habang ang kabuuang mga kama at ICU beds ay mataas ang utilization rate.


Gayunman, sa naturang alert level, pinapayagan ang outdoor o al fresco dining ng hanggang 30% ng venue/seating capacity, anuman ang vaccination status ng mga kustomer.


Ang indoor dine-in services ay pinapayagan din sa limitadong 10% ng venue/seating capacity subalit para lamang ito sa mga indibidwal na fully vaccinated kontra- COVID-19.


Gayundin, ang curfew ay itinakda na mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

 
 

ni Lolet Abania | September 27, 2021


ree

Iaanunsiyo ng Department of Health (DOH) sa Biyernes, Oktubre 1 kung mananatili o babaguhin ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR).


Sa isang Palace news conference, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na sila ang magpapasya kung isasailalim pa rin ang NCR sa Alert Level 4 o ibababa ang klasipikasyon nito.


Sa ngayon, ang NCR ay nasa moderate risk ng COVID-19. Base sa monitoring ng DOH, ang mga bagong kasong naitala sa rehiyon ay bumaba ng 13% sa loob ng nakalipas na dalawang linggo, subalit ang average daily attack rate ay nasa 33.98 cases per 100,000 populasyon at ang ICU utilization naman ay nasa 76.22% na nananatiling high risk.


“Kung ito pong mga numerong ito ng NCR ang ating pagbabasehan, tayo po ay posibleng manatili pa sa Alert Level 4. Subalit ang mga metrics at ating mga numero ay tuluy-tuloy po nating pag-aaralan,” ani De Guzman.


“We need to look at not one or two metrics but several for us to have a better picture and understanding of the COVID-19 situation -- cases and fatality data, healthcare capacity, PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) indicators, and vaccination coverage,” sabi pa ng opisyal.


Nitong Linggo, naipahayag naman ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na umaasa siya na ang NCR ay isasailalim na sa pandemic alert level 3 sa Oktubre.


Ayon kay Abalos ang growth at reproduction rates ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay sadyang bumababa na.


Matatandaan na ang Metro Manila ay isinailalim sa Alert Level 4 noong Setyembre 16, na siyang pilot implementation ng alert level system sa bansa na tatagal ng hanggang Setyembre 30.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page