top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 1, 2021



ree

Mananatili sa general community quarantine (GCQ) ang buong NCR Plus simula June 1 hanggang 15, batay sa inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kagabi, May 31.


Kabilang sa NCR Plus ang buong National Capital Region at mga kalapit na probinsiya, katulad ng Cavite, Laguna at Rizal.


Samantala, extended naman ang GCQ hanggang June 30 sa mga sumusunod na lugar:


• Baguio City

• Kalinga

• Mountain Province

• Abra

• Isabela

• Nueva Vizcaya

• Quirino

• Batangas

• Quezon

• Iligan City

• Davao City

• Lanao del Sur

• Cotabato City


Ilalagay naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) o mas mahigpit na quarantine classifications hanggang June 15 ang mga susunod pang lugar:


• City of Santiago, Cagayan

• Apayao

• Benguet

• Ifugao

• Puerto Princesa City

• Iloilo City

• Zamboanga City

• Zamboanga Sibugay

• Zamboanga del Sur

• Zamboanga del Norte

• Cagayan de Oro City

• Butuan City

• Agusan del Sur


Matatandaan namang nagkasundo ang 17 Metro Manila mayors sa rekomendasyon na panatilihin sa GCQ ang NCR, habang paunti-unting binubuksan ang ekonomiya.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 28, 2021


ree

Maaari nang mag-operate nang full venue capacity ang mga accredited hotels ng Department of Tourism (DOT), ayon sa Malacañang.


Ang mga DOT-accredited establishments na may certificate of authority ay puwedeng mag-accommodate ng guests for staycation up to 100% venue capacity, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Dagdag ni Roque, ang mga edad 18 hanggang 65 lamang ang maaaring makapag-staycation.


Aniya pa, "These staycation hotels may also forego with the COVID-19 testing of guests as a prerequisite for accommodation as long as only 18 to 65 years old shall be allowed as guests.


"DOT-accredited accommodation establishments in areas under General Community Quarantine (GCQ), on the other hand, may accommodate guests for leisure purposes for up to 30% of their venue capacity subject to DOT guidelines and other conditions.”


Ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay isinailalim sa GCQ with "heightened" restrictions hanggang sa May 31.


Samantala, pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga health protocols katulad ng social distancing.


 
 

ni Lolet Abania | May 21, 2021



ree

Itinaas na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa 30 porsiyento ang seating capacity para sa mga religious gatherings sa NCR Plus at iba pang mga lugar sa bansa, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.


Sinabi ni Guevarra na ang bagong polisiya, kung saan maisasagawa rin sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions, ay inaprubahan ng IATF kahapon matapos ang hiling at pakiusap ng mga simbahan.


Gayunman, ito ay ipapatupad nang hanggang May 31.


“This applies to all religious faiths, sects, and denominations,” ani Guevarra.


Matatandaang ipinatupad ng gobyerno ang limitadong 10% venue capacity para sa mga religious gatherings upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.


Gayunman, isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila at karatig-probinsiya gaya ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna – na tinatawag na NCR Plus -- sa GCQ with heightened restrictions mula May 15 hanggang May 31.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page